Chapter 17 - FAITH-HOPE-LOVE

2 0 0
                                    

Kahit pinang hihinaan na ng loob si Jeremy pilit parin nyang nilalabanan ang pangungulila kay Anastacia at hindi ito ligid sa kanyang mga kaibigan na labis na nag-aalala sa kanya.

"Justin, sa tingin mo okay lang si Jeremy kanina pa syang nagtratrabaho at walang imik"
"nahahalata ko na rin yon Raven marahil yan ang kanyang paraan para maibsan ang kalungkutan nya"

"hoy!anung binubulong nyo dyan dalawa?at bakit nyo tinititigan si Jeremy ha!" nagulat ang dalawa sa biglang pag-sulpot ni Francesa habang sila ay nag-uusap ngunit agad naman nagkalasan ang dalawa para makaiwas sa tanung ni Francesca.

"hmmmm..iwan ba ako hoy!may problema ba?" pilit man kinulit ni Francesca ang dalawa na natiling tikom ang bibig ng magkaibigan

Pagkatapos ng mga gawain ni Jeremy nagtungo siya sa tabing puno upang hindi siya gaano mapansin ng kanyang mga kaibigan at doon narin siya magpahinga .

Ngunit kahit si Jeremy ay hindi nakaligtas sa makulit na Francesca "nandito ka na naman? may problema ba?" napatingin si Jeremy sa kanya "bakit mo naman nasabi na may problema ako? nagpapahinga lamang ako at nilalahap ang sariwang hangin"
"wala naman kasi kanina pinagmamasdan ka nila Raven at Jeremy na tila nag-aalala sila sa iyong mga kinikilos"
"naku wag mong pansinin ang mga yon, siguro nabigla sila kasi pati gawain nila ay tinapos ko na ayaw ko kasing nahihirapan ang mga kaibigan ko"
"sila ba ang nahihirapan o ikaw Jeremy?"  diretyong tanong ni Francesca kay Jeremy

Hindi kumibo si Jeremy at tumingin sa malayo, "Francesca nagmahal kana ba?"

Bagu pa sumagot si Francesca umupo muna siya sa tabi ni Jeremy "oo pero sinaktan nya lang ako dahil merun na siyang ibang minamahal" napatingin lang si Jeremy sa kanya...habang hinayaan nya na magsalita si Francesca at patay malisya sa mga narinig dahil alam nyang siya ang tinutukoy ng dalaga.

"bakit mo naman natanong yan Jeremy?"
"Hanggang kaylang ka aasa sa taong mahal mo, sapat na ba ang pagmamahal para magtiwala ka sa kanyang pangako?" halos hindi makapagsalita si Francesa sa kanyang narinig ngunit kahit na nasasaktan batid nyang kaylangan siya ni Jeremy bilang kaibigan

"hanggang kaylangan, dahil kung mahal mo siya hindi ka magsasawang mag-hintay at umasa, siguro kaylangan mo lang pang hawakan ang pangako nya at magtiwala sa pagmamahal nya"

Pag katapos magsalita ni Francesca agad tumingin si Jeremy sa kawalan at tumahimik, makalipas ang ilang oras agad tumayo si Jeremy at nagpaalam kay Francesca
"tignan mo ito matapos humingi ng payo, iiwan lang ako agad hay.." naiwan mag isa si Francesca habang sinusulit nya ang magandang tanawin at sariwang hangin sa tabing puno.

Madaling hinanap ni Jeremy ang kanyang mga kaibigan upang magtungo sila muli sa lihim na hardin. Hindi naman nagdalawang salita si Jeremy sa mga kaibigan matapos ang mga gawain sa bahay ampunan agad nag tungo ang magkakaibigan upang makausap si Madelaine kung mayroon na siyang balita kay Anastacia.

Katulad ng dati madaling natuntun ng magkaibigan ang lihim na hardin dahil sa gabay narin ng mga oras, agad naman sinalubong ni Madelaine ang tatlo "kamusta!mukhang nalate ata kayu ng bisita rito?" hindi nagsalita si Jeremy at madaling pumunta sa lugar kung saan nya hinihintay ang pagbabalik ni Anastacia.
"anung nangyari doon bakit ang suplado?"
"wag mo nalang pansinin Madelaine kanina pa namin ni Raven napapansin ang mga kinikilos nya, akala nga namin hindi na kami pupunta rito, ngunit nun makausap nya si Francesca bigla nalang siyang nagyaya na magtungo rito"

"Teka!Madelaine wala parin bang balita tungkol kay Anastacia? hanggang kelan nya paghihintayin at pahihirapan ang kaibigan namin?"
"sa tingin mo Justin matitiis kong ganyan si Jeremy malungkot at mukhang mawawalan na ng pag-asa? kung alam nyo lang sana ang dahilan at kung pwede lang bakit hindi?" napatingin si Justin at Raven kay Madelaine "Anung sinasabi mong kung alam lang namin ang dahilan at kung pwede lang?" pilit pinapaamin ni Justin at Raven si Madelaine "oo nga Madelaine narinig ko ang sinabi mo kay Justin! anung ibig mong sabihin!alam mo pala ang dahilan at pwedeng  mo palang gawin!"

I'm inlove with my Fairy God Mother (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon