"Iniiwasan mo ba ako?"
Apat na mga katagang hangga't maaari ay ayaw ko sanang marinig.
Dahil isa lang naman ang sagot ko diyan,
At siguradong hindi mo magugustuhan.
Oo.
Oo, iniiwasan kita.
Nagda-diet ako sa iyo kasi pakiramdam ko, sobra na.
At hindi ba't lahat ng sobra, nakasasama?
Kahit ikaw, 'pag lagi kang nandiyan, parang nakakasakal.
Ikaw nalang palagi ang kasama ko, kausap ko.
Sa'yo nalang palaging umiikot ang oras at mundo ko.
Hindi ba pwedeng magpahinga kahit saglit?
Dumistansya kahit kaunti?
Sa sobrang routine ng relationship natin, para kasing may mali.
We do the same things all the damn time.
At minsan, I hate to say this, pero nakakaumay.
Mahal naman kita.
Pero mahal na mahal na mahal ba?
'Yun ang hindi ko masabi.
At kung bakit, hindi ko rin alam.
Gago ang dating, ano?
Karaniwan ang ganyan sa mga lalaki, but even women do the same.
And I'm sorry if I feel this way.
Hindi ko naman palaging nakokontrol ang sarili kong damdamin.
Ganunpaman, I am to blame.
Siguro may hinahanap lang ako na hindi ko pa alam sa ngayon.
Pasensya ka na ha?
Para kasing ako nalang lagi ang may problema.
I love you. I love you. I love you.
Babe, mahal kita.
Pero...
Pero ewan ko kasi.
Parang ayaw ko na.
Walang iba. Walang iba, babe.
Walang third party.
Wala kang karibal.
Wala kang kapalit.
Ako lang ang may problema.
Gusto ko lang huminga.
Lumayo at magpakaisa.
Parang namiss ko na kasi ang sarili ko,
At yung buhay ko noong wala ka pa.
I didn't have to meet anyone's expectations.
Didn't have to reply to a lover's text or call.
I could go home late and not make you worry.
Run across men with no malice and ignite no jealousy or suspicion.
Gusto ko lang matulog after a long day,
Nang hindi nagtetelebabad at nagrerely sa unli.
Putris na Free Messenger kasi,
Inoobliga akong iupdate ka.
How's my day, how's my life.
Kumain na ba ako o hindi, at kung ano ang inulam ko at saan ko binili.
Babe, mahal kita.
Pero palimos ng pahinga.
Kasi nakakaumay pag paulit-ulit tapos araw-araw.
Pareho lang naman palagi, walang pinagkaiba.
Minsan lang ako mag-seen, nag-aalboroto ka na.
Matagalan lang ako ng pag-respond, naiinip ka na.
Ma-miss ko lang ang isang tawag mo, nagagalit ka na.
Babe, mahal kita.
Pero palimos ng pahinga.
Ayaw ko na ikaw ang maging mundo ko.
Dahil 'pag sumuko ako, lahat masisira.
'Pag napagod ako, lahat gigiba.
At ayaw ko no'n.
Ayaw ko ng gano'n babe. Ayaw ko no'n.
Gusto ko 'pag tinakasan ko ang mundo, ikaw ang tatakbuhan ko.
Pero kung ikaw ang mundo ko, sino na ang kakampi ko?
Ayaw ko na lahat nalang ikaw.
Ayaw ko na buong oras ko, buong araw ko, buong buhay ko, ikaw.
Mahal kita. Mahal kita.
Pero pakiusap, mahal ko, palimos ng pahinga.
11.04.18