Chapter 13: The Choice and the Chance

3K 186 81
                                    

Tama ba 'tong gagawin ko?

Eh ba't naging mali?

Ang tawag sa ginagawa ko ngayon ay self-contradiction. Ewan ko nga ba kung bakit sa bawat tanong na tinatanong ko ang sarili ko, tanong din ang sagot.

Happy birthday, kalabasa! Yabow.

Saktong 12:01 a.m. ko siya binati na parang walang halong malisya 'yong text ko. Lagi namang gano'n. Kung hindi 12:01 a.m., 11:59 p.m. E pano ba naman at hindi ako makatulog? Ngayon . . . ngayon ang araw kung kailan ko tatanungin si May kung puwede ko na ba siya maging girlfriend. Magiging masaya ako. Ang first and last girlfriend ko e maganda at mahinhin, lahat ng gusto ko sa isang babae.

Ngayon din ang araw kung kailan tatanungin ni Red si April . . . ang araw na magkakaroon ng ika-dalawmpu't dalawang boyfriend si April, ang huli . . . o kaya ang makakasama niya habambuhay. Magiging masaya ako dahil ang huling boyfriend ni April e halos kaparehas na niya ng hilig at mukha namang hindi magiging impakto ang mga anak nila.

Magiging masaya naman kami pareho, 'di ba?

Nagkomyut lang ako papunta do'n sa meeting place namin ni May, mga alas-siyete ng gabi sa Starbucks sa may Katipunan. Oo na, hindi na ako romantic. E kesa naman sa text o kaya sa banyo. Mas okay na dito. Isa pa, hindi pa naman 'to kasal. Girlfriend pa lang. Pag magpropropose na ako sa kasal, saka ko ibubuhos lahat ng romantic skills ko . . . kung meron man.

As usual, mas maaga ako ng thirty minutes.

Nagulat ako nang biglang tumawag sa 'kin si April. Haha. Siguro sinagot na niya si Red, at ang saya-saya na niya ngayong gabi.

"O! Kalab—"

"Saan ka?" agad niyang tanong.

"Sa Starbucks Katips. Teka, nasa Brickroad ka, 'di ba?"

"Hindi. Eight pa 'yong reservation do'n ni Red."

"Aww, romantic dinner. Good luck! Magkaka Mr. Kalabasa na rin!"

"Anong sinasabi mo?" tanong ni April, halatang-halata ang galit sa tono niya.

"Wala. Sige na sige na. Nakikita ko na si May."

"A-andiyan na si May?!"

"Wag kang ngang sumi—"

Dial tone.

Hindi ko alam kung anong problema ng babaeng 'yon at ba't niya binaba ng gano'n 'yong telepono. Sinubukan ko siya tawagan ulit pero mukhang out of coverage na ata siya.

"May, dito!" tawag ko sa kanya.

"Dapat ba laging thirty minutes din akong maaga?" tanong niya.

"Wag. E di thirty minutes tayong maaga."

Tumawa si May. Hindi siya nakabestida ngayon. Nakapants nga siya at sleeveless na blue na may nakasulat na Aquarius. Nag-order lang ako ng kape at saka ko siya kinausap.

"Talagang hindi ka sumama do'n kina Red?" tanong niya.

"Sabi ko may date tayo e."

"Baliw ka. Hanggang eight lang ako a."

"Ayos lang. Ano—"

"Wag mo muna ako tanungin," pagtigil niya sa 'kin. "Magkuwentuhan muna tayo."

Hinalo niya 'yong cream do'n sa frappe niya. Habang ako, namamawis ang mga palad. Sige, ayos lang naman.

"Alam mo ba na ngayon na rin tatanungin ni Red si April?"

Natahimik ako. Lahat ba ng tao sinabihan ng Red na 'yon?

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon