Written by: JelayLicous
-------------------------------------
"FREEYAAAAA! ANAAAKK! BUMABA KANA DIYAN! MALALATE KANAAA! NAKUNG BATANG 'TO ANG TANDA TANDA NA , ANG BAGAL BAGAL PA RING KUMILOS " malakas na sigaw ni mama
Ano ba naman yan?Bunganga agad ni mama ang bumungad sakin nakuu pag tumatanda na talaga bungangangera na
"OO NA MA BABABA NA HOOO! "
Dali dali akong bumaba baka kasi bungangaan nanaman ako ni mama , napaka ano pa naman nun tsk.
Pagkababa ko ay agad kong hinalikan ang aking ina sa kanyang pisngi sweet ko diba? Hahaha ganun talaga kahit bungangera yan si mama mahal ko yan! Proud ako sakanya nakakakaya niyang alagaan ako ng mag isa yeah you heard it right single mother siya kinuha na kasi agad si papa ni God
"Nak bilisan mo naman kumain malalate kana! " medyo pasigaw na sabi ni mama
"Oo na ma ito na , masyado kang atat may 30 minutes pa ho bago magsimula ang klase" pabalang na sagot ko sakanya
"Kahit na mag je jeep ka pa , traffic pa naman ngayon , BILIS NA! ang bagal bagal mo kumilos " iritang sabi niya
Kumuha na lang ako ng tinapay kakainin ko na lang to sa jeep naiirita na ko sa kaingayan ni mama
" Sige na ma alis na po ako , pagkatapos niyo magtinda later magpahinga na po kayo agad ako na lang po ang maglilinis ng bahay pag ka uwi ko" paalam ko sakanya habang palabas na ng pintuan hindi kona hinintay yung sasabihin niya baka tuluyan na talaga ako nito malate sa klase
Wait hindi pa pala ako nakakapag pakilala , Ako nga pala si Freya Clae Bermillo , 17 years old turning 18 . Describe ko pa ba sarili ko? Wag na simple lang naman akong babae kaya hindi naman na kailangan
Pagkababa na pagkababa ko sa jeep , tumakbo na agad ako papasok sa gate, 5 minutes na lang magsisimula na ang klase
Pero habang tumatakbo ako may narinig akong tumatawag sakin
"FREYAAAA"
Pagkalingon ko may nakita akong isang lalaki na humahabol sakin at nung makarating na siya saking harapan napansin kong hingal na hingal siya
" Bakit? Ano kailangan mo? Tsaka Sino ka ba?" nagmamadali kong tanong
"May nagpapabigay sayo " sabay abot sakin ng tatlong roses na may kasamang maliit na pirasong papel
Sinuri ko ito ng mabuti at hindi nga ako nagkakamali parehong pareho ito sa ibang nauna
Ano nanaman to?
"Kanino galing to? Walang mintis ang pag bigay ahh , naiinis na ko ! magpakita siya kamo sakin at ako'y naguguluhan na" sunod sunod kong sabi pero pag angat ng ulo ko para harapin siya ay nawala na siya huh? Bakit ang bilis niya naman ata si flash ba siya?
Binasa ko yung nakalagay sa papel
Hi! Freya Magandang umaga ^-^
From: Mr. Admirer
Hindi ba siya napapagod at nag sasawang bigyan ako ng ganito sa Dalawang taon , walang kupas si loko
KRRII-IINNGGG
Napatalon ako ng tumunog na yung bell
Shet shet malalate pa ata ako nito istorbo kasi!
Takbo ako ng takbo papunta sa classroom namin
Pagka pasok ko wala pa si Mrs. Flores
Woaahhh thank you lord wala pa pala si tanda
Papalapit na palapit na ko sa upuan ko pero may napansin akong may nakalagay sa arm chair ko
YOU ARE READING
Who Are You Mr. Admirer?
RomantizmWhat if may isang mysterious guy na nagpaparamdam sayo? Yung sa tuwing bubuksan mo ang locker mo may love letter na madadatnan ka... Sa tuwing papasok ka may nagbibigay sayo ng roses ngunit hindi mo naman alam kung kanino galing ang mga ito... Sa tu...