pangalawang tula

299 18 2
                                    

Crush Sana

Unang beses mo akong pinuri,
Unang beses rin na ikaw'y nagsabi,
Nang iyong nakaraan-na iyong nalampasan.

Nagkasama ng bilang na buwan,
At may dalawang buwan na pahinga
At dumating naman ang balik-eskwela,
Doon na nga nag-simula ang CRUSH, SANA.

Crush, sana gusto mo rin akong mapa sa iyoー
Crush, na mapansin mo rin naman ako
Crush na sana rin
matupad ang aking mithiin na ikaw'y mapasa akin.

Nalaman mo na mayroong pahatid sulat;
Na ang nilalaman ay aking puro satsat,
Ang totoong nagkagusto sa iyoーmahal ko;
Ngunit ikaw ay nakatuon lamang sa iisang tao.

Ngayon, umaasa na lamang ako sa iyong sinabi
Na ako ang iyong gusto't wala kanang paki sa mundo
Na ang alam ko namang walang katotohanan,
Ako'y nagpadala lamang sa aking imahinasyon.

Kaya crush, sana pagbigyan mo ako,
Crush, sana nabasa't narinig mo ito,
Crush, sana nagbago noon ang desisyon mo,
Pero, ang tadhana ang nagdesisyon at
Ngayon, alam ko namang masaya kana.

KAYA, IPAPAUBAYA NA KITA.

Author's Note:

Maligayang pagbati mula sa nakakabata mong kaibigan!

weirdsaguitarrian
jackie

Tula ni JackieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon