pangatlong tula

218 16 7
                                    

Huling Sayaw 

(spoken poetry edition)

Kung nandito ka man, pakinggan mo ito,
Para sa iyo, itong tulang ginawa ko.
Pero alam kong hanggang magkaibigan lang tayo,
Sapagkat may laman na rin naman ang iyong puso.

Unang tingin ko palang sayo,
Nahulog na ang puso ko.
Puso ko na nagsasabing IKAW NA! IKAW NA!
Puso ko na nagwawala para lang makasayaw ka,
at puso ko...
puso ko na naghihintay sa pag-alis at pag-balik mo dito sa bansa.

Hindi mo inakala na ako ay mananalo,
Sa kompetisyong di naman ako seryoso.

OO!

Hindi mo rin aakalain na ikaw ay mananalo,
Sa kompetisyong kasama pa ako.
Hindi mo akalain at hindi ko akalain na sa oras na ito,
Tayo ay MAGTATAGPO.

Sa oras na ito, ikaw na ang ginusto at minahal,
Minahal... Hindi!
Mamahalin ko hanggang darating 'yung araw na tayo'y magsasama,
Magsasama na hanggang sa panaginip lang kita makikita.

Ginoo, para sa iyo itong obrang ginawa ko,
Nakikinig ka man o wala ka dito.
Para sa iyo ito,
Para sa iyo itong luha na dumadaan,
sa aking pisngi na pinunasan ng aking kamay na iyong nahawakan.

Ala-alang hinawakan at nahawakan mo,
Ang kamay ko at ang balakang ko.
Ala-alang sumayaw sa unang pagkakataon.

Nagka-kilala at nag-usap,
Matatamis na pangungusap,
Yumuko ako at tumingala,
Unti-unting bumababa ang 'iong mukha...
Akala ko'y mga labi natin ay magdidikit na,
UMIWAS KA-
Ang iyong mga labi— may nagmamay-ari na pala. 

Gusto kong isigaw na-

 UNANG KITA PALANG KITA, MINAHAL NA KITA!

Kaso may iba kana, sabi ng iyong mga mata...

First time I saw you,
You're very handsome babe.
First time you dance me,
You make me feel free.

Nais ko lang malaman mo... ngayong araw,
Ikaw ang gustong-gusto ko na UNANG SAYAW.
Unang sayaw,
Unang sayaw,
Na sa mundo ko'y iyong ginunaw.

Ginoo, ikaw rin ang gusto kong HULING SAYAW,
Huling sayaw na partida si tadhana na ang may ayaw.
Huling sayaw na sana mayroon pang ibang araw,
At—
Huling sayaw na iba na ang aking nakikitang sumasayaw.

Simula nang magtapos ang sayawan,
Inantay ko ang iyong pag-alis.
Inantay kita hanggang nakatitig na sa kawalan,
Uma-alingawngaw na ngayon ang mga batang nagchi-chismis.

aba marites!

Ayokong matapos ang araw,
Hanggang sa palihim akong sumigaw.

sa ilalim ng unan.

Nandito ako,

oo, nandirito lang ako.
Nandito lang ako.
Nag-aantay sa pagbabalik mo,
Paalam na Mahal ko.


pahuling sulat:

Salamat po sa mga nagbabasa!

kahit na masakit ang pagtatapos niya.

Tanong lang, baka masagot niyo.

Bakit kaya sa dinami-dami ng mga hinahangan ko, wala man naglakas ng loob, diba? hindi patas talaga ang tadhanang magdesisyon.

because, HE WILL GIVE YOU THE ONE SOON

weirdsaguitarrian

ーjackie

Tula ni JackieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon