pang limang tula

145 11 6
                                    

Malaya kana

Oo, iniwan kita,
Dahil ikaw ang nauna,
Kahit mahal na mahal pa kita,
Wala naman akong magagawa,
Kundi ang sumuko na, hindi ba?

Lumipas ang ilang buwan,
Puso ko'y nag-aalinlangan.
Mayroon kasi akong  gustong-gusto na subukan,
Pero ang puso ko ikaw pa rin ang NILALAMAN.

Noong una ayaw pa kitang bigyan ng
Pangalawang pagkakataon.
Masakit, hindi kayang limutin, mahirap ding ibaon
Mahal na mahal kita pero
Gustong-gusto rin kitang kalimutan,
Ngunit, katulad ng sinabi ko sa pangalawa,
Ang puso ko ikaw pa rin ang NILALAMAN.

Balak kong balikan kita,
Hindi ko alam kung saan na magsisimula...
Magku-kwento ba ako?
Kung saan, paano at kailan  ba tayo nagtagpo?
O
Noong nagkalabuan ba tayo?
Saan? Saan ba ako magsisimula?
Hindi ko kasi alam. 

Ngunit ngayon nang nagkalakas na nang loob na ako'y babalik,
Ang ganda at abot tenga ang aking ngiti.
Dahil ako'y SABIK, SABIK NA SABIK.
Sa ating pagbabalik.

Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa

Sa mga lumilipad na balita.

Nalaman ko na lang na may iba kana,
At kahapon lang pala naging kayo...
hindi ko man lang napagtanto...
Dibdib ko'y sumisikip na pala,
At tumutulo na ang aking luha.

Katanungan ng iba,
Gaano ba katangkad ang pagsisisi,

at palagi siyang nasa huli?

(At ngayon yan rin ang tanong ko)

Ngayon na malaya ka,
Sana masaya kana,
Nasa iba kana diba?
WALA NA TRAYONG MAGAGAWA. SIGE NA-

Malaya kana.

________

A/N:

Para sa mga gustong bumalik pero naunahan...
Pasensiya na nadaraman ko kasi iyan.
Yung inunahan ka?

Pero wala na tayong magagawa...

Kundi ang ipa-ubaya.

Salamat sa ilang taon na kitang nakasama.
-the ghost man.


Salamat po sa pagbabasa!

weirdsaguitarrian

ーjackie

Tula ni JackieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon