Bakit? Di ba?
Hindi ko na pala namalayan,
Buwan na pala ang nalipasan.
Ikaw pa rin ang nasa isipan,
Paano ba kita kakalimutan?Ganito pala ang ibig sabihin
Na uso sa panahong marami na ang iniiwan.
Ano bang dapat kong gawin,
Para lang pagbigyan ang puso kong sugatan.Iniwan ko ang una kong minahal,
Iniwan ko dahil sa huli kami ang masasaktan.
Ginamit ako ng pangalawa kong minahal,
Upang maging sila ng kaniyang minamahal.Tinalikuran ko ang kumakatok sa aking puso,
Dahil hindi ko kayang maghawak sa relasyong mas bata ang isip kaysa sa akin.
Kaya di na akong nagdalawang-isip na sabihing "Hindi ka para sa akin",
Saka ako tumalikod at naglakad patungo sa malayo.Sa paglalakad ko-palayo na ako ng palayo,
Nakita ko ang dating kumakausap sa akin na estranghero.
Magkikita na daw kami sa purgatoryo,
At niyaya akong pumunta sa impyerno.Ang inaakala kong impyerno'y pansamantala,
Kaso hindi, sinamantala ko ang pagkakataong makalaya.
Kahit sa konting panahon man lang ako'y nagpapakasaya.
Pero lahat may kapalit-'di na ako makawala sa impyernong hawla.***
At sa hindi ko inaasahan, dumaan ka.
Kinalabit at pinansin kita, ang iyong sagot ay tango lamang ayos na.
Kinagabihan, nagpadala ka mensaheng nagpangiti sa akin.
Ako'y natutuwa, dahil sa apat na taon ako'y muli mong napansin.
Sa panahong iyan ako'y nagpapakalabo,
Ngumingiti na ako dahil wala na ako sa impyerno.
Nasa mundo mo na ako ーmahal ko,
At kahit sandali lang dinala mo ako sa bisig mo.Natatakot ako- oo, natatakot na ako,
Na baka sa huli.
"Hindi naman mangyayari iyon" sabi mo.
At dinala mo na naman ako sa bisig mo at dagdag ang hagkan mo sa aking noo.
Kuntento na ako doon, na malaman ko mismong galing sayo-"ikaw at ako" pa rin sa huli.
Lumipas na ang mga araw, linggo at buwan,
Hindi ko na ramdam ang mga yakap at halik mo.B-bakit wala ka pa rin?
B-bakit wala na ako sa bisig mo?
B-bakit 'di ko na ramdam ang halik mo?
B-bakit malabo na tayo?
B-bakit na ako umiiyak?
B-bakit?Di ba sabi mo hindi ito mangyayari?
Di ba yinayakap mo pa ako?
Di ba hinahagkan mo pa ako?
Di ba?Di ba?!
DI BA?!
Bakit wala ka na?
Bakit umalis ka ng walang paalam at paramdam?
Bakit wala na akong balita sayo?wala ni anino mo!
Yan ang mga tanong na gusto kong malaman sa susunod na magkita tayo.
Kung magkikita pa tayo.
Napakasinungaling mo na tao! Pasampal naman ako
Dalawangpu ang petsa ngayon, ito na ang una't huling bati ko sayo.***
Maligayang araw sa atin mahal ko.
Kung nasaan ka man, sana masaya ka.
Masaya kang may napaasa kang babaeng katulad ko.
Masaya kang may iniwan kang luhaang babaeng katulad ko.
Masaya kang may nakakamiss sayo.Tandaan mo mahal na mahal kita.
Ito na ang huling tula na ikaw ang aking paksa...
sana nga diba?
Huwag kang magpapatuyo ng pawis, kumain ka sa tamang oras. Kung makakita ka man ng babaeng mas hihigit pa sa akin, sana mahalin mo siya ng higit kaysa sa akin. Bakit kasi hindi nalang ako? Bakit kasi iniwan mo ako?
Haha, ang sakit lang e. Siya nga pala salamat sa ilang araw,linggo at buwan.
Mahalaga lahat ng iyon sa akin.
SALAMAT, MAHAL NA MAHAL KITA...
PAALAM NA.
ーweirdsaguitarrian
BINABASA MO ANG
Tula ni Jackie
Poetry"Just a broken piece that I made." Kapag broken ka ba anong ginagawa mo? Nagsusulat sa notebook? Sumisigaw? Nanununtok? O kaya, kung ano-anong paraan para mapagaan ang pakiramdam mo? Pero sa akin kasi, gumagawa ako ng mga tula, pariralaーna naglala...