12 Tula

72 9 6
                                    

MARUPOK

Hindi ko mawari kung bakit nga ba ako kumagat sa mga patibong mo sa akin?

Akala ko kasi isang paghanga lamang ito. Si Puso naman kasi e 'di man lang nagpapaalam na mahuhulog ulit siya.

Kung alam ko lang Puso, napigilan ko sana. Mahapdi, iyan ang nararamdaman ko sa ngayon.

Binabasa ko kasi iyong pinag-usapan natin noong isang araw. Nandirito lang naman ako sa tabi mo, palagi - dahil alam kong kailangan mo ng masasandalan kahit sa pansamantala lang muna.

Napangiti nalang ako ng mapait kasi gusto mo na pala akong iwan.

Naalala ko pa non sa pinag-usapan natin, 

"kung gusto lumayo, lumayo ka pero andito pa rin ako... handang manatili kahit ayaw mo na"

Ngayon naman, gusto kong tumakbo papalapit sayo upang sabihin ko ang matagal ko nang ikinikimkim.

Apat na taon nang nakakalipas, ngunit parang kahapon lamang na napagdaanan.

Naalala ko pa non, baliw na baliw ako sayo, oo... isang babaeng hindi na inosente ang baliw sayo.

Ngayon gustong-gusto ko nang iwanan ang meron ako ngayon para di na masayang ang apat na taon kong iyong si Puso.

Sinabi kong kailangan ko nang masasandalan. Kailangan ko nang matatakbuhan at higit sa lahat gustong-gusto nakitang yapusin, hagkan at damhin ang mga bisig mo.

Ngunit 'di ka nagdalawang isip na ako ay iyong iiwan.
Iiwan mo ako sa pagkakataong tulong mo ang aking kailangan
kaibigan, o kaibigan nga ba? O tama bang sabihin kong mahal kita.
kailangan ko ng masasandalan at kailangan ko ng matatakbuhan.

Bakit nga ba nabasag ang aking pananggala na bumabalot sa aking puso?

__________________________________________________

A/N: 

bakit ganon? Kahit alam mong masasaktan kana, sige pa din ng sige. 

Yung kahit kasiyahan mo ang kapalit sige ka pa din ng sige.

Mahal ko pa din siya. Mahal na mahal.

Tula ni JackieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon