Part 2
Muling nagbabalik ang isang dakilang tanga,
Mula sa Lungsod ng Katangahan.Akala ko ay tapos na
Subalit hindi pa pala
Akala ko ay sarado na,
Na may bakod na...
Pero...
Bakit? bumabalik ka pa?Nilagyan ko na nga ng bakod ang lintik na pusong ito.
Malamig na nga ang pakikitungo ko sa iyo
Hindi na nga ako umiimik sa tabi mo
Pero bakit? Bakit?! Bakit ka pa bumabalik?!Kung kailan naman akong lumalayo
Saka ka lang papalapit ng papalapit
Kung kailan binakuran ang pusokong ito
Saka ka lang nagpaparamdam ulit.Nakaka-asar, hindi ba?
Kung kailan ako tumigil magmahal sa kaniya
Saka lang siya kumikilos para ako'y pahulugin
Sa iyong nanganganib na damdamin.Nanganganib itong damdamin at puso ko,
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa talaga
Sapagkat bawat pagdampi ng balat ko sa iyo
Libo-libong boltahe ang dumadaloy papuntaSa aking mapupula't kayumangging pisngi o mukha.
Hindi ko alam kung bakit nga ba ako'y napapangiti,
Ako ba ay isang munting baliw na?
Sa bawat tingin mo'y titingin agad ako sa mala rosas mong labi.sabay ka pang ngumingisi, baliw!
Ilang buwan mo pang pinagtrabahuan at pinagingatan ,
Bago kita sinagot ng matagal ko nang damdamin.
Suportado din simula pa sa una ang mga kaibigan at pamilya natin.
Kaya nga siguro hindi kana nahirapan.Hindi ko na nga siguro tatanungin sa ngayon,
Kung paano at bakit ka lumingon.
Dahil sa sitwasyon natin, sa akin ka umaa-ayon
Walang mas sasaya pa sa akin simula ng ikaw'y maging akin.Maraming-maraming salamat sa paglingon mo, mahal ko.
_____________
A/N:This is part two of Tanga at Manhid!
They're enjoying their time right now, and I am so, so happy for them!
I love you both!
ーweirdsaguitarrian
BINABASA MO ANG
Tula ni Jackie
Poetry"Just a broken piece that I made." Kapag broken ka ba anong ginagawa mo? Nagsusulat sa notebook? Sumisigaw? Nanununtok? O kaya, kung ano-anong paraan para mapagaan ang pakiramdam mo? Pero sa akin kasi, gumagawa ako ng mga tula, pariralaーna naglala...