RPW (role play world)
hindi ko alam kong ano bang sasabihin ko sa oras na ito,
gusto ko kasing naririnig ang boses mo bago ako matulog, ito rin ang gusto mo;
nakakawala ng galit, sama ng loob, at napapangiti nalang ako ng di mawari.
gusto na rin kitang makita, pero lingid ng kaalaman ng iba alam mo na kung sino ako;
pero ako heto umaasa sa matagal ko nang kinakatakung mangyari.nagkakilala tayo sa RPW na ikaw si Shoto, at ako ay isang Sariego;
mahilig ka sa anime, ganoon din ako.
at pati ang online games, LOL na kinakabaliwan ko ay 'yun din pala ang gusto mo.
halos lahat nalang nakukuha mo, halos lahat pati na ata puso ko.aminado akong kinikilig ako sa pagpupuyatan natin,
'yung tipong ako lang ang gusto mong kausapin.
alam kong alam mo na sa oras na ito natatakot na ako,
na baka umasa ako sa wala at mahulog na ako lalo.bawat buka ng iyong bibig, lumulukso itong nasa aking dibdib,
'miss you' yan ang palaging aking naririnig;
bawat pagsagot ko sa iyong tawag ako'y kinikilig,
oo- kinikilig ako ngunit natatakot ako sa aking pagkaidlip.pagka-idlip na baka sa umaga ay wala kana,
wala na ang nangungulit sa mga mensahe ko;
pagka-idlip na baka sa umaga ay wala kana
dahil iba na ang kausap mo-hindi na ako.nalalaman mo bang ngayon na unti-unti nang bumabagsak ang bakod dito,
binakuran ko ang puso kong sawa na sa panloloko,
na sawa na salitang umaasa, na ayaw ko na,
pero dumating ka shoto—.ang pagmamahal ay wala yan sa bilis o sa tagal ng kanilang pagmamahalan
nasa tao 'yan kung may pagmamahal nga ba sa kanilang kapareha
kung tunay nga ba ito, o sadyang nagpapanggap lang silang magkasintahan
'di ko man ipagkakaila, parang gusto na yata kita—.gusto ko neto, gusto ko niyan, bilhin mo ko non bil moko niyan,
mga ibang babae na puro lamang materyal ang kailangan.
pero ako isa lang ang aking -tanging kailangan,
ang wasakin ang aking binakuran, at ito ang iyong kayamanan...Salamat sa pagbabasa!
-weirdsaguitarrian (khaizzherre_)
__________________________
A/N:
Gawa ni khaizzherre ito also known as cazhie.
I just want to share this.
This is a non-fiction.
Take note! Non-fiction...
BINABASA MO ANG
Tula ni Jackie
Poetry"Just a broken piece that I made." Kapag broken ka ba anong ginagawa mo? Nagsusulat sa notebook? Sumisigaw? Nanununtok? O kaya, kung ano-anong paraan para mapagaan ang pakiramdam mo? Pero sa akin kasi, gumagawa ako ng mga tula, pariralaーna naglala...