Naunahan ko nang magising ang alarm clock ko ni reset ko na lamang ito at inilagay sa gilid nang table na katabi nang kama ko.
6 am pa lang pala minabuti ko na lamang na magtimpla nang oatmeal at kumain habang nanunuod nang tv. Pagkaubos ko agad na lamang akong naligo at nagbihis sinuot ko na ang paborito kong black leathered wrist watch at tiningnan ang oras 7 am pa lamang. Bumaba na lamang ako at nagpalinga linga himala wala yata si Arrah ngayon wala rin siyang text at tawag 'ay hindi ko pa pala siya nabibigyan nang phone number ko' sabay kamot sa ulo. Nag-abang na lamang ako nang taxi at sumakay na papuntang school. Chineck ko uli ang oras 7:15am pa lang sa classroom na lang ako pupunta dumiretso na ko sa classroom ko at wala pa itong laman ni isang tao as usual lagi namang mga late ang mga classmate ko. Umidlip muna ko saglit.. *minutes passed* napamulat na lamang ako nang may yumuyugyog sa mga balikat ko.
"Waaaaa! What are you.. I mean who are you!?" Pabungad ko sakanya.
"Psh I'm Kit and you are..?"
"Ikaw yung nakabangga ko last time diba?"
"Ganyan na ba talaga ko kagwapo at hanggang ngayon naaalala mo parin ang gwapo kong mukha?" Pagyayabang niya.
"You know what.. ang hangin mo!" langhiya sabay snob sakanya.
"O wala ka yatang kasama ngayon?" Tanong niya.
"It's none of your business." Pagtataray ko.
"Okay fine." Sabay taas nang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko.
"Hi Kit." Bungad pagdating nang Mia ba yun?
"Oh.. hi there.. what's your name again?" Bigla namang sumama ang timpla nung Mia girl.
"Ikaw talaga Kit kahit kailan." Sabay pabebeng hampas kay Kit. Ngisi lamang ang ginanti ni Kit sakanya. Kala ko pa naman playboy to tss itsura pa lang. Naagaw nang atensyon namin ang isa sa mga faculty na kakapasok lamang sa room namin.
"Good morning class, please settle down. Sir Rick is not around because of some serious matter. Today is your free time and you're now dismiss."
"Oh so totoo pala yung balita?" -girl 1
"Na ano?" -girl 2
"Namatay daw yung Papa niya." -girl 1Nagulat ako dahil dun. Kaya pala di siya nakapasok ngayon. Kamusta na kaya si sir? Okay lang kaya sila ni Tita Cecil? Nahihiya naman ako kung bibisita ako dun nang walang pahintulot baka masabihan pa ako na feeling close.
"Tss" napatingin naman ako kay Kit na nakangisi habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nang mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
MOUSE TRAP (COMPLETED)
RomanceThe obsession and possession of the two male lead. Under editing.