ALIYARAINNE'S P.O.V
"Hindi ako galit. Hinding hindi at di ko talaga iniisip na sapakin ka pramis" Sarkastikong ani ko saka tumayo na at pinagpag ang kumapit na dumi sa suot kong jeans.
Kung nababawasan lang ang kagandahan, malamang malapit ng maubos ang kagandahan ko dahil sa mga buset na 'to.
Buti nalang talaga at nagising pa rin akong maganda.
Dumako sa likuran nila Ungas ang aking paningin at nakita si Ma'am Raquel. Teacher namin sa Gun Shooting Class.
Yeah may ganun kaming subject para daw sa self-defense ganern .
"Oh hi, guys! Ba't nandito pa kayo sa labas?" Tila bagets na bagets na turan ni Ma'am Raquel.
Nahagip ng paningin niya si Ungas at she looked shock but she managed to compose herself and slightly bow her head.
"Good Morning, Mr. McKnight" Magalang na wika ni Ma'am na ipinagtaka ko.
Meganon?
"Psh! Makaalis na nga lang" Tumalikod na ako sa kanila saka naglakad na papasok sa room.
Bastos ba? Aba di naman eh.
Napatingin ako sa katabing upuan ko nang may nakaupo na rito.
Mukhang tibo 'to ah.
Hindi kasi nakaayos ang necktie niya tapos naka-dekwarto pa at may nginunguya atang bubble gum.
Naglakad na ako papalit at nilagay ang bag ko sa upuan 'saka naupo sa tabi niya. Taka naman niya akong tiningnan na sinuklian ko lang ng irap.
"Alam ko namang maganda ako. Pero wag masyado tumitig dahil baka matunaw ako" Bahagyang umawang ang bibig niya dahil siguro sa kagandahan ko at nang makabawi ay nginisihan ako.
"Kapal ah? Alin ka sa dalawa? Pader o sahig?" Nagtataka akong tinaasan siya ng kilay sa narinig.
Mukha ba akong semento?
"Pinagsasabi mo?" Mataray na tanong ko.
Imbes na sumagot ay tiningnan niya lang ang dibdib ko 'saka ngumisi.
Nang maintindihan ko ang ibig sabihin niya ay wala sa sariling nakutusan ko siya.
"Baka ikaw flat!" Singhal ko sa kanya na ikinalingon ng iba naming mga kaklase.
"Aba! Suntukan gusto mo? Lintik ka ring flat ka ah!" Aambahan na sana niya ako ng suntok nang may sumalo sa kamao niya na galing sa aking likuran.
Wala sa sariling nilingon ko ang taong sumalo sa kamao ni Tibo at nakitang si Ungas iyon.
Tumikwas ang aking mga kilay sa kanyang inakto.
"Dont make a scene here, Recca" Malamig na usal ni Ungas saka binitawan ang kamay ni Tibo.
Masamang tingin ang ipinukol ni Tibo kay Ungas bago ito padabog na umupo sa silyang katabi lang ng sakin.
"Guys! Umupo na kayo at magsisimula na tayong magtackle" Malumanay na ani ni Ma'am Raquel na sinunod naman naming mga estudyante. Bago pa man umalis si Ungas ay bumulong siya dahilan upang matuod ako.
"Don't mess with any badass students here. They'll not hesitate on killing you. Remember, I'm the only one who has the right to kill you" Ani niya saka naglakad na pabalik sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)
AcciónShe is Powerful. She is Fearless. She is Ruthless. She is Death Reaper also known as the Mafia Princess of the Mafia World. Could the Angel of Death claim her soul? Knowing that her enemies are thirsty of her blood? Let's find out!