THRONE 1:

267 9 0
                                    

ALIYARAINNE'S P.O.V

"Teka! Teka! Manong! Para po! Sasakay ho ako!" Pasigaw na habol ko sa pampasaherong jeep na iyon.

Sa kasamaang palad, di manlang ito tumigil upang mapasakay ako.

Leshe na yan. Late na ako!

Napakamot na lamang ako sa aking nakataling magulo na buhok bago inayos ang suot na eye glasses.

Pers day na pers day of school, late ako.

Di ba nila alam na may butihing mag-aaral na naghihintay na mai-sakay dito?

Kasi ba sobrang ganda ko kaya ayaw nila akong pasakayin?

Kasalanan na ba ngayon ang pagiging maganda? Ha?! HA?! HAA?!

"Hoy, Ineng! Sasakay ka ba 'ka ko o magdi-daydream ka nalang dyan?!"

Nabalik ako sa realidad nang makitang may nakaparadang jeep sa aking harapan.

Gumuhit ang ngiwi sa aking mga labi nang mapansin ang tingin sakin ni Manong Driver or should I say, masamang tingin?

Halos magsalubong na kasi ang mga kilay niya eh.

"Ay sorry po, Manong. Hehehe opo. Sasakay ho ako" Nahihiyang turan ko.

Yumuko ako at dali daling naglakad saka sumakay sa likurang bahagi ng jeep bago pa man ako singhalan ni Manong Driver.

"Hehe makikiraan po" Nakayukong paumanhin ko saka naghanap ng mauupuan.

Inilibot ko ang aking paningin.

Nagbabakasakaling makakita ng mauupuan dahil wala akong planong mag yuko ovation dito.

Baka ma-damage pa ang magandang leeg ko, mahirap na.

Mabuti na ang nag-iingat.

Ayun!

May bakante pa sa tabi ni Ateng mukhang may a-attend-an atang Kids' Party at si Kuyang nagdadasal ata dahil nakayuko.

Mabilis na nakayukong naglakad ako patungo sa bakanteng upuan bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga at prenteng umupo.

Sa wakas!

Nakasakay na rin ang dyosang tulad ko.

Mahirap na't baka magka-varicose veins pa ako.

Di pa naman naibe-benta yun.

Di pwedeng pagkakitaan. Tumango ako sa naisip.

"Ay leshe!"

Napatalon ako sa gulat nang di pa man nag init ang pwet ko sa kakaupo ay sumandal na ang ulo ni Kyang nasa kanan sa balikat ko.

Pasimpleng tsansing 'to eh.

"Aba't h---"

Itutulak ko na sana ang ulo niya papalayo nang....

.
.

Wala sa sariling natulala ako matapos mapagmasdan ang mukha ni Kyah.

I was beyond speechless ng mas matitigan pa ang kanyang mukha.

"Hmnmm" Titig na titig ako kay Kyah at pigil hininga kasi baka magising siya.

My eyes darted at his long thick eye lashes, down to his proud pointed nose and that undeniably sweet pinkish lips of his'.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon