THRONE 10:

127 8 1
                                    

ALIYARAINNE'S P.O.V

-Location: In front of the School Gate, Time: 5:49 PM-

Di manlang ako hinintay ng dalawang lesheng yun.

Nagdadabog na naglakad ako palabas ng School.

Leshe kasi yung si Jennah at Recca eh. Ni di manlang ako hinintay para sabay sabay kaming umuwi.

Isa pa yung si Ma'am Kong. Anlaking babae pero ayaw magbuhat ng sarili niyang gamit at ako pa talaga ang inutusan niya ah.

Like seriously? Sa ganda kong 'to? Ginawang utusan? Masyadong malayo sa katotohanan.

Yan tuloy iniwan ako ng dalawang lesheng yun. Ni di manlang ako hinintay.

Answeet talaga nilang dalawa to the point na ansarap na nilang ihulog sa bangin. Masagasaan sana ang mga panget na yun.

Luminga linga ako sa paligid nang mapansing medyo madilim na nga at nasa eskinita na pala ako na medyo malayo pa ng konti sa apartment na tinutuluyan namin ni Jenn.

Ba't di nalang ako nagtaxi? 

Well, alam niyo kasi ang tunay na maganda ay di takot maglakad saka ang mahal kaya ng pamasahe 'no! Sa di ko reach ang pamasahe, ni wala nga kaming pagkain eh.

Nahinto ako sa paglalakad at mabilis na iniharang ang hawak kong libro sa aking mukha.

Napa-ingos ako habang nakatingin sa matalim na kunai na bumaon sa libro.

"Nice reflexes" Blankong tingin ang ipinukol ko sa dalawang tao na nasa madilim na parte ng eskinita.

"What do you want?" Malamig na tanong ko habang nakatingin sa kanila na dahan dahang naglakad paalis sa madilim na parte ng eskinita dahilan upang masilayan ko ang mga mukha nila.

"Your head" Lihim na napa-tiim bagang ako sa narinig.

Di talaga sila titigil ah?

"Still after me, eh? Not afraid after what I did to you, sc-ms?" Naka-ngising tanong ko na mas lalong lumawak nang dahil sa naging reaksyon nila.

Ganyan nga. Mainis kayo.

"A mission is a mission, hon. No hard feelings"

Mabilis na itinapon ko ang librong hawak sa kanilang direksyon at agarang inilagan ang mga kunai na tatama sakin.

"F-f-ck!" Hawak ang tagilirang napaatras ako nang masipa ako ni Soo-won. 

Nang akmang sasaksakin niya ako ay mabilis na nagback flip ako at agarang sinipa si Hyo Jun na nagawa niya namang mailagan.

Wala sa sariling naiharang ko ang dalawang braso ko sa aking mukha nang suntukin ako ni Soo-won na ikinaatras ko dahil sa lakas ng kanyang suntok.

"What happened, Death Reaper? It's not so you. You were strong but now? You've gone weak" Naka-ngising usal ni Hyo Jun habang naglalakad kasabay ng kakambal niya papalapit sakin.

Tila naging blangko ang aking utak sa narinig at namalayang nasa likuran na pala ako ng dalawa.

"What the f---" Bago pa sila makagawa ng galaw ay malakas na sinipa ko si Soo-won sabay saksak sa kanyang kanang balikat at bahagya pa itong diniinan.

Napa-atras ako matapos sumalubong ang bala ng baril ni Hyo Jun na may silencer nang lumingon ako sa direksyon niya.

Akmang susugurin ko na sana si Hyo Jun ngunit ako'y natigila  matapos maramdamang may tumarak na patalim sa aking tagiliran.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon