THRONE 7:

128 6 3
                                    

ALIYARAINNE'S P.O.V

-Day: Early Saturday, Location: In­ her Apartment-

Dumukwang ako sa kaharap na sink at naghilamos ng mukha. I stared at my own eyes' reflection.

There I see a pale looking girl, having a cute yet pointed nose, a small yet well shaped reddish lips with a pair of eyes that are very unique and rare.

The eyes I keep on hiding and concealing with the help of the customized contact lens made just to hid the real color of my eyes.

These eyes of mine which witnessed plenty of deaths, agony and pain that I've inflicted to my targets.

Kahit 'Siya' ay di alam ang tungkol sa mga mata kong ito. Tanging ang mga kapatid at kamag-anak ko lamang ang nakakaalam ng tunay na kulay ng aking mga mata.

The eyes behind the masked killer, the eyes behind the Masked Mafia Boss na mananatiling nakatago habang buhay. O habang buhay nga ba?

I smiled at my reflection turned into smirk afterwards.

I'll hide my real eye color forever even if it means killing someone whoever saw these eyes of mine.

Nawala ang atensyon ko sa aking sariling repleksyon nang marinig ang sunod sunod na malalakas na katok na iyon.

May plano pa atang sirain ang pinto ng apartment ko nang kung sino man ang kumakatok eh.

Mabilis na lumabas ako sa banyo habang pinupunasan ang aking mukha. Di na ako magtataka kung sira na ang pinto ng apartment ko.

I groaned as I heard another loud knocks again.

"Leshe! Sandali lang! Dahan dahan sa pagkatok! Baka masira ang pinto!" Mabilis na lumapit ako sa pintuan at pinihit ang siradura ng pinto bago ito marahas na binuksan.

"Hoy! Ikaw na----" I was ready to snap at someone who keeps on knocking hardcore but stopped after someone hugged me.

I gasped at the action.

"Waaaah! Bruha! Namiss­ rin kita" Ay si Panget lang pala ang bwiseta ko.

Psh! Kala ko naman kung sino. Anlakas pa naman ng pagkaka-katok niya.

"Ouch! Bruh naman eh!" Naka-ngusong napakamot siya sa parte kung saan ko siya binatukan.

Ang ingay talaga ng babaeng 'to kahit kelan.

"At anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Bahagyang dumilim ang aking paningin nang batukan ako ni Panget.

Naalog ata ang utak ko dun ah.

"Mukha ba akong utot?" Matalim na ani niya.

Napa-ngisi ako sa kanyang inusal.

"Mukha ka palang utot?" Naka-ngising wika ko na ginatungan pa ng tawa dahilan upang samaan niya ako ng tingin.

Insecure lang talaga 'to sa kagandahang taglay ko eh. Himala rin at naka-off ang electric fan ng panget na 'to.

"Pasalamat ka't maganda ako kaya di na muna kita papatulan ngayon" Napa-poker face na lamang ako sa narinig.

Naka-on na pala ang Electric Fan niya.

Kailangan ko na atang itali ang sarili ko para di tangayin ng kahanginan na dulot ng panget na 'to.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon