THRONE 2:

150 12 3
                                    

ALIYARAINNE'S P.O.V

-Bell Rung~!-

"Good bye,  Class"

"Good bye and thank you, Ma'am Dimalanta"

Pupungas pungas na tumayo ako saka ini-stretch muna ang mga braso ko matapos makalabas ang karamihan sa mga kaklase ko.

I stopped from my track after meeting the gaze of the man with those wonderful pair of orbs.

So He has wonderful pair of eyes, huh?

"Out of my way" Kunot noong tiningnan ko siya nang di magets ang kanyang sinabi.

"You're fvckin' blockin' my way, Stupid" Mabilis na humakbang ako paalis sa dinaraanan niya nang ma-realize na nakaharang nga ako.

Kunot noong nakipag tagisan ng tingin ako sa kanya matapos mapansing nakatingin pa rin siya sakin habang naglalakad palayo.

Dont tell me, crush niya ako?

Well, di ko siya masisisi. Maganda nga naman ako.

Napa-irap na lamang ako sa kawalan saka napagdesisyunang lumakad na palabas dahil wala akong planong mamatay dahil sa gutom.

Nasisiyahang naglalakad ako patungo sa Cafeteria habang inoobserbahan ang paligid.

Indeed, Elixir High is one of the most infamous International School in the country.

Napakalawak ng lupaing sakop ng paaralang 'to not to mention that andaming naglalakihang School Buildings na napapaloob dito. Even the facilities at ang mga kagamitan ay high-tech.

No doubt, mayayaman at matatalinong estudyante lang ang nakakapag-aral dito.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing may nakaharang na mga Clowns(?) na bigla na lamang lumitaw sa aking harapan.

May Child's party ba dito? Walang elementary dito ah.

"Hey, Ugly Nerd! How did you make pasok here in this school ba?" Mataray na tanong sakin ni uhmnm, tawagin nalang natin siyang Clown 1, dahilan upang dumako ang atensyon ng ibang students na naglalakad rin.

Oh please.

Don't tell me na uso talaga yung mga bitchy students na binubully yung mga nerds?

Akala ko ba sa mga libro at movies lang yun nangyayari?

Kung minamalas ka nga naman talaga oh.

"Oo nga, this school is for mayamans only 'no! Kaya nerds are di pwede here" Dagdag pa ni Clown 2 sabay flip hair na ikina-ngiwi ko.

Ano ba namang mga estudyante 'to? Ba't mga conyo?

Bago pa maki-side comment si Clown 3 ay inunahan ko na.

Wala tayong magagawa, maganda ako eh.

"Pano ako nakapasok dito? Duh. Syempre I make daan to the gate.  Ano tingin mo sakin? Multo? Na kayang tumagos sa pader o gate? Kung i-untog kaya kita diyan sa pader? Malay mo tumagos ka" Mataray na tanong ko dahilan upang magsalubong ang mga kilay nila.

Nakaka-bobo ang tanong nila ah.

"Ghad! Why is she so brutal ba?" rinig kong bulong ni Clown 2 kay Clown 3

"You! You're so panget na nga tapos ang bobo mo pa!" Banat ni Clown 1 at rinig kong naghagikhikan ang mga studyanteng parang nanonood ata ng live show.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon