WAYNE'S P.O.V
"Uy, Yuuji! Anong ginagawa mo? Nanonood ka ng SPG 'no? Ikaw ah!" Pangungulit ko Kay Yuuji na tutok na tutok sa cellphone niya.
Napa-arko ang mga kilay ko nang di manlang siya nag angat ng tingin.
Nanonood nga siguro 'tong baklang 'to. Napaka-f-ckboy ng g-go, kaya di sinasagot ni Zycreia eh.
"Tigilan mo ko, Weyn. Busy ako kaya tumahimik ka kung ayaw mong sungalngalin ko yang bibig mo" Wala sa sariling naitakip ko ang aking kanang kamay sa bibig habang takang lumapit sa kanya.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo? Ang busy mo naman ata. Isusumbong kita kay Zy. Pinagpalit mo na pala siya ah" Napa-ngiwi ako nang tila kinikilig si Yuuji habang nakatingin sa cellphone niya.
Iwww! Sigurado ba talaga siyang tunay na lalake siya?
"T-do! Si Zycreia babes 'tong katext ko" Usal niya bago gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa kanyang labi na tila proud pa.
"Weeeh? Patingin nga" Dali-daling lumapit ako sa kanya saka tiningnan ang cellphone niya pero agad ring napa-poker face.
-Poook!- (sound effect yan kahit di halata)
Ayun! Binatukan ko nga.
"G-go! Ni wala nga siyang reply sa MGA text mo eh"
"Eh? Selos ka lang kasi ako may ka-text. Ikaw? Wala"
"Hah? Ka-text mo siya? Kaya pala siya ay isa lang ang message tapos question mark lang ang reply. Eh ikaw? Grabe, abot isan' daan na ata yan eh'"
"Maghanap ka nga ng kausap mo" Asar na usal nito.
Babarahin ko na sana siya nang biglang um-eksena ang isa pa naming kaibigan.
"Teka teka. Ba't ba kayo nagsisigawan? Anlapit lapit niyo lang tas nagsisigawan pa kayo" Umi-iling iling na epal ni Kei saka umupo sa couch na kaharap namin ni Yuuji.
"Sa trip namin eh! Bakit may angal ka?!" Nagka-tinginan kami ni Yuuji nang mapansing sabay namin iyong naisigaw.
Walang originality.
"Oh easy. Bakit ba ang init init ng ulo niyo?" Tanong ni Kei na nakataas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko sa mga pulis na may ngisi sa labi.
Di ko nalang siya sinagot at lumabas na sa HQ namin dito sa school patungo sa kung saan man mapunta.
Bumagal ang mga hakbang ko nang makita si Boss Gray na nakasandal sa pader habang nakapasok pa ang dalawang kamay sa loob ng mga bulsa niya at nakatanaw sa kung saan man.
Sinundan ko sa kung saan man siya nakatingin.
Si Aliyarainne yan ah? At bakit naman titingnan ni Boss ang mahanging nerd na yan?
Napa-ngiwi na lamang ako ng maalala ang mga kahanginan ni Aliyarainne at ng kaibigan niya.
Masasabi kong nasa signal #5 na sila kung mga bagyo pa man sila.
Buti nalang talaga at pinanganak akong gwapo.
Napatigil ako nang mapansing naglalakad na si Boss papunta sa direksyon ni...
Ni Aliyarainne? Why oh why?
Don't tell me, mag-aaway na naman sila?
May pag-asa pa kayang magkabati ang dalawang yan?
Teka, kailan ba sila di nag-away?
Ah Ewan. Ang gulo. Makaalis na nga lang.
ALIYARAINNE'S P.O.V
BINABASA MO ANG
Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)
ActionShe is Powerful. She is Fearless. She is Ruthless. She is Death Reaper also known as the Mafia Princess of the Mafia World. Could the Angel of Death claim her soul? Knowing that her enemies are thirsty of her blood? Let's find out!