THRONE 3:

109 7 0
                                    

ALIYARAINNE'S P.O.V

Pabalik na sana ako sa room matapos makapagbihis nang mabaling ang atensyon sa abandonadong building na ilang kilometro lang ang layo mula sa building kung nasaan ako.

"Something's weird. I smell.....blood?" Bulong ko.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na lakad takbong tinatahak ang daan papunta sa building na iyon.

Nagsimula na ang class hours kaya wala ng estudyante sa paligit.

Nilapitan ko ang malapit na pintuan at pipihitin na sana ang door knob ng pinto nang mapansing naka-lock pala ito.

Idinikit ko ang ang aking tainga sa pinto at pilit pinakikinggan ang nasa likod ng pinto pero wala akong narinig na kahina-hinalang ingay.

Di rin dito nanggagaling ang amoy ng dugo.

Napagdesisyonan kong maglakad nalang papunta sa likod ng abandoned building at baka dun galing ang naaamoy kong dugo.

May naririnig akong mga nagsasalita pero di masyadong malinaw dahil tila malayo layo sila.

Pilit kong sinusundan ang mahinang boses na yun.

Tinatahak ko ang tila maliit na kagubatan sa likod ng pinuntahang building.

Lumilikha ng ingay ang pagtapak ko sa mga natuyong dahon kaya mas nag ingat pa ako sa paglalakad .

I can smell the blood already. Oh scratch that, I smell DEATH.

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang may marinig sa di kalayuan.

"MAMAMATAY DI-----" Mabilis na tinahak ko ang daan patungo sa sumigaw na yun na nagdala sakin palabas sa munting gubat.

Napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa aking paanan.

"Who are you, b-tch?" Di ko pinansin kung kanino galing ang boses na iyon sapagkat natuon ang aking atensyon sa bagay na nasa aking harapan.

"Psh! Di ko alam na pwede palang pumatay sa school na 'to. Sa maling school pa ata ako nagtransfer eh" Napapa-iling na bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang pugot ulong gumulong na napunta sa harap ko na dilat pa ang mga mata.

"I said who are you, b-tch?" Nag-angat ako ng tingin at tinaasan ng kanang kilay ang lalake na may magagandang pares ng mga mata.

Yeah, siya nga yung tumawag saking stupid kanina sa room. But wait, did this b-stard just called me b-tch?

"I know na maganda ako but I'm definitely not a b-tch, as-hole" Naiinis na saad ko bago inayos ang aking salamin sa mata

Lesheng salbaheng Ungas 'to ah.

Oks lang na tawagin akong b-tch pag babae ang nagsabi pero pag lalake? Ibang usapan na yun.

Feeling ko kasi bakla yung nagsabi eh.

Di nakatakas sa aking paningin ang emosyon na dumaan sa mga mata ng lalakeng kaharap ngunit ipinagsa-walang bahala ko na lamang iyon.

"Are you out of your mind?" He asked me blankly that made me confuse.

"Sa ganda kong 'to? Out of my mind? I don't think so" Naka-ngiting umi-iling iling ako na bahagya pang natawa.

Nabaling ang aking atensyon nang may marinig na humagikhik at nakita ang tatlong lalake na nasa bandang likuran ng Ungas na 'to.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon