Dianne's POV,
Hi ako nga pala si Princess Dianne dela Cruz pero Dianne nalang for short. Mabait ako, mayaman at matalino. Ako ang bunso at ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid, kaya super protective sa akin yung dalawa kung kuya.
Ang pangalan ng kuya ko ay John Darius dela Cruz, siya yung pinaka matanda sa amin. Mabait at gwapo siya kaya madaming babaeng nagkakagusto sa kanya.
Ang pangalan ng isa ko pang kuya ay Dhen Mark dela Cruz. Mabait din sya at gwapo pero mas matalino siya kesa kay kuya Darius. Marami ding nagkakagustong babae sa kanya mas madami pa kesa kay kuya Darius dahil maaari mo na syang tawaging Mr. Perfect kasi nga gwapo na matalino pa at higit sa lahat mabait siya.
Kaya dahil sa kanila maraming babae ang lumalapit sa akin at nakikipagkaibigan para lang sa kanila pero alam kung plinaplastik lang nila ako kaya di ko sila tinatanggap mas gusto ko kasi ng nag-iisa. Ewan ko ba kung bakit mas gusto ko yung laging nag-iisa, siguro dahil nasanay na ako.
1st year highschool pa lang kase ako ay nakakaranas na ako ng may mga lumalapit sa akin para makipagkaibigan kahit di totoo. Kasi noong elementary ako eh lagi nila akong tinatawag na panget kasi nga nagpa-pangit-pangitan ako.
Ang pamilya namin ang nagmamayari ng paaralang aming pinapasukan at ito ay ang Sky Academy. Hindi ko nga alam kung bakit Sky Academy ang pangalan ng school namin pero ang alam ko lang ay dahil yun ang gusto ni mama.
Ngayon ay nandito ako sa classroom nagrereview habang hinihintay yung teacher namin baka kasi magtetest na naman kami. Pero makalipas ang ilang minuto wala pa rin yung teacher namin kaya napagpasyahan ng isa kung classmate na puntahan na lang yung guro namin.
Dahil hindi naman kalayuan ang faculty ng teacher namin kaya dumating din siya agad.
"Guyss wala daw si ma'am." sabi ni Trishia.
"Yeheyy!!!" sabi naman ng ilan sa mga classmate ko pero ako nanatiling tahimik.
Matapos ang isang oras ay pumunta na ako sa canteen para mag recess. Bumili na ako ng pagkain ko at umupo sa isang tabi. Habang ako'y kumakain may sumigaw sa pangalan ko may kumausap sa akin na di ko naman kakilala "Hi," sabi ng lalake aaminin ko gwapo sya pero di pa din ako nag salita, "Ako nga pala si Rico Valdez," hindi pa din ako nag salita "Hey, magsalita ka naman oh." syempre nag salita na ako para tumigil na 'tong lalakeng ito.
"Hello, ako nga pala si Princess Dianne dela Cruz." at nakipag shake hands ako sakanya tapos ipinagpatuloy ko na ulit kumain.
"Ang ganda mo pala sa personal," muntik nakong masamid nang sinabi yan ni Rico buti na lang at may nabili akong tubig kanina. "Hinay hinay lang sa pagkain baka masamid ka." sabi ni Rico sabay abot ng tubig na binili ko.
"Eh ikaw naman kasi kung anu-anong sinasabi mo." sabi ko.
"Alin dun yung sinabi kung maganda ka, eh totoo naman yun eh." sabi na naman ni Rico.
"Hindi ako maganda okay pangit ako." sabi ko.
"Maganda ka nga." sabi niya.
"Patingin mo nga yang mata mo sa doktor baka hindi na malinaw mata mo. Sige paalam na babalik na ko sa classroom malapit ng dumating ang next teacher namin," sabi ko."Bye."
Aalis na sana ako pero pagharap ko sa dadaanan ko ay nakita ko sina kuya Darius at kuya Mark na masama ang tingin sa akin. "Sino siya?" Tanong ni kuya Mark.
"Kaibigan ko lang po siya." sagot ko. Nang hindi inaasahan ay pumunta sa tabi ko si Rico at hinawakan ang kamay ko.
"Mga pare, anong problema niyo sa kaibigan ko." sabi ni Rico, mukhang hindi alam ni Rico na kapatid ko itong mga ito pero impossible kasi sikat sa paaralang ito ang mga kuya ko at higit sa lahat varsity player din sila sa larong basketball at baseball.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.