Rico's POV,
Nakakahiya ako sa biglaan kong pag-amin. Nakakainis naman kase pero bahala na.
Halata pa rin ang gulat sa mukha niya at parang na mental block na kaya ako na lang ang nag-salita.
"Ah Dianne sorry kung nabigla kita. Okay lang kung hindi mo na muna suklian ang pagmamahal ko sa'yo dahil ang mahalaga nasabi ko na ang nararamdaman ko para sa'yo." sabi ko pero hindi pa rin siya sumagot.
Magsasalita sana ulit ako pero, "Mahal din kita." sabi niya sabay yakap sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Mahal din kita
Mahal din kita
Mahal din kita
Mahal din kita
Mahal din kita
Nagpaulit-ulit ang mga katagang yan sa aking tenga na parang musika at ngayon parang gusto kong gumawa ng tula.
"Alam mo bang pagkakita ko pa lang sa'yo gusti na kita. Parang araw-araw ay gusto kitang makita. Masilayan ko lang ang iyong napakagandang mukha parang tumatalon na sa sobrang tuwa ang aking puso. At sa panahong ito ay minahal na kita at mamahalin pa rin kita hanggang ako'y humihinga." mahabang salaysay ko sa kanya.
"Nung panahon na ako'y iyong nilapitan gusto kong lumayo sa'yo dahil alam kong mahuhulog ang loob ko sa'yo." sabi niya kaya nagulat ako at lumayo ng kaunti.
"Bakit mo naman gustong lumayo sa akin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kasi nga natatakot akong magmahal ulit sa taong hindi naman ako mahal. Yan din ang dahilan kung bakit gusto ng mga kuya kong lumayo ka sa akin dahil nasaktan ako ng sobra noon." mahabang paliwanag niya. Ilang saglit lang ay dahan dahan ng tumulo ang kanyang mga luha kaya lumapit ako sa kanya para patahanin siyang umiyak.
"Hindi ko naman sasaktan ang damdamin mo eh. Hindi ako tulad ng iba na sasaktan ka ng paulit-ulit. Pangako ko sa'yo na iingatan kita at poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko. Kaya huwag ka ng umiyak," pagka-sabi ko sa kanya ay inakay ko na siya papasok sa kotse para ihatid sa kanila. "Dianne sisimulan na kitang ligawan hanggang sa sagutin mo na ako."
"Sige."
Dianne's POV,
Ang sarap sa pakiramdam na liligawan ka ng taong mahal mo at nakakakilig yun. Gusto ko ng sana siyang sagutin kaya lang parang ang bilis kasi wala pang isang buwan magmula ng magkakilala kami.
Pagkarating namin sa bahay ay hindi na siya pumasok dahil nahihiya daw siya.
"Ayaw mo ba talagang pumasok sa loob?" pagpupumilit ko pa rin dito.
"Huwag na at tsaka nahihiya ako sa itsura ko, ang dami ko kayang pasa." sagot niya kaya hindi ko na lang siya pinilit.
"Sige na nga, paalam na at bukas babawi ako sa'yo sa pagtulong mo sa akin kanina. Bye."
"Bye." sagot niya at tumalikod na ako.
Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay bumungad na sa akin ang mga nag- aalalang mukha ng aming mga katulong. Nag-aalala na din tuloy ako baka may masamang nangyari.
"Anong nangyayari yaya at ganyan ang mga mukha niyo?" nag-aalalang tanong ko.
Hindi nila ako sinagot bagkus ay nagtinginan lang silang lahat at sabay-sabay na ngumiti pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanilang mga mata.
"Mabuti naman at naka-uuwi ka na Dianne kanina ka pa hinihintay ng bisita mo." sabi ni yaya Edna.
"Sino po?" tanong ko. Hindi sila sumagot pero may inginuso sila sa likuran ko. Kuya Myco.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.