Rico's POV,
"Next year ay gagraduate na ang captain ng basketball kaya ngayon ay pipili rin ako sa inyo kung sino ang susunod na magiging captain." sabi ni coach.
"Eh bakit po sa amin kayo pipili? Pwede namang sa mga naunang members na lang kayo pumili." sabi ni Karl.
"Naisip ko na rin yan noon kaya lang isang player lang ang matitira sa kanila next year dahil gagraduate na ang ilan sa kanila."
"Eh 'di sana coach yung natira na lang ang gawin niyong captain." sabi na naman ni Karl.
"Hindi pwede dahil nakasali lang siya sa basketball team dahil pinilit kami ng daddy niya. At higit sa lahat hindi siya gaanong magaling." sagot ni coach.
"Ah ganon po ba." siniko ko na si Karl dahil sa kadaldalan niya.
"Sige magsimula na tayo." sabi ni coach.
Ang una naming ginawa ay ang pagshoot ng bola sa ring (rim). May tatlo kaming pagkakataon para makashoot at sa awa ng diyos may nashoot ako at ang nakakabilib pa dun ay tatlo ang napasok ko pero dalawa lang kay Karl pero ayos na rin yun. Marami ang hindi nakapasok ng bola sa ring (rim) kaya agad silang natanggal.
Ang dating 50 na estudyante ay naging 20 na lang.
"Ngayon ang gagawin niyo naman ay magshoshoot ulit kayo, pero sa three-points line ang pwesto niyo," sabi ni coach kaya kinabahan ako. "Tatlong chance ulit ang ibibigay ko kapag nakashoot kayo ng tatlo o dalawa pasok na kayo sa next round at magkakaroon pa kayo ng chance na makapasok sa team pero kapag isa lang ang nashoot niyo ay magkakaroon pa kayo ng isang chance para magshoot pero kapag hindi niyo na shoot out agad kayo." dagdag pa niya.
"Kaya natin 'to 'dre." sabi sa akin ni Karl.
"Sino sa inyo ang gustong mauna?" tanong ni coach.
"Ako na po coach." sabi ni Karl at pumuwesto na.
"Galingan mo 'dre. Pagnashoot mo 'yan libre kita." sabi ko sabay tulak sa kanya papunta sa kung saan siya magshoshoot.
Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya at mabuti na lang na shoot niya yung tatlo ako naman na shoot ko din at pareho kaming nakapasok sa team.
Higit sa lahat kami din ni Karl ang pinagpipilian ni coach kung sino ang magiging captain.
。。。
"Karl pwede bang pagkatapos nating magpalit pumunta tayo sa classroom nila Dianne?" sabi ko kay Karl.
"Sure." sabi niya at nagmadali ng nagpalit.
Pupunta kami ngayon sa classroom nila Dianne para ibalita ang nangyari at para na din makita ko si Dianne.
"Rico ano nga pala yung pangalan ng kaibigan ni Dianne?" tanong niya.
"Bakit mo naman na tanong?"
"Wala lang." sagot niya pero alam ko na ang takbo ng isip nito.
Hindi na ako magugulat pag-nalaman kong nililigawan ni Karl si Tracy.
"Dalian mo na d'yan kailangan pa nating makita sila Dianne at Tracy." sabi ko at kinuha na ang bag ko sabay labas ng c.r. Agad din namang sumunod si Karl.
Habang nasa daan kami pagtungo sa classroom nila Dianne napansin ko na parang nagmamadali si Karl.
"Hoy ba't ka nagmamadali?" tanong ko.
" 'Di ba sabi mo bilisan ko?" tanong niya kaya tumango na lang ako. "Eh yun naman pala eh." sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.