Rico's POV,
"Lagot ka kuya." sabi ni Patricia sa akin.
"Manahimik ka nga." sabi ko.
Paano ako makababawi sa'yo Dianne?
"Kuya tingnan mo oh." sabay turo ni Patricia sa isang direksyon.
Nagulat ako kasi nakita kong magkayakap si Dianne at Jake. Kailangan kong pigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila kahit nagseselos na ako ng sobra.
"Wala kang gagawin kuya?" tanong ni Patricia. "Tingnan mo oh mukhang masaya sila."
"Alam ko, okay." sabi ko. "At isa pa magkaibigan lang sila." dagdag ko pa.
"Magkaibigan kuya o magka-ibigan?" mapanuksong tanong ni Patricia.
"Manahimik ka o iiwan kita dito?" tiim bagang tanong ko.
"Mananahimik na po ako." sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Lumingon ulit ako kila Dianne at ngayon ay magka-akbay na sila habang tumatawa. Hayst.
"Kuya kakain ka ba o hindi. Sayang 'tong inorder mo oh." sabi ni Patricia kaya kumain na lang ako.
"Patricia puwede bang magtanong?" tanong ko.
"Nagtatanong ka na nga eh." inirapan ko siya.
"Seryoso ako."
"Sige kuya. Ano ba yun?" tanong niya kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy.
"Anong magandang gawin para kay Dianne?" tanong ko.
"Hindi ko alam kuya. Hindi ko pa naman siya lubusang kilala. Pero para sa akin mas maganda yung simple lang, na kahit simple lang yun ay mare-realize niya ang efforts mo." sagot niya.
"Salamat." sabi ko. "Maiwan na muna kita dito may gagawin pa ako." paalam ko.
"Pero kuya hindi ka pa kumakain." sabi niya.
"Okay lang ako. At isa pa kumain naman ako kanina sa bahay." sabi ko at lumabas na ako sa canteen.
Naglakadlakad na muna ako para humanap ng lugar kung saan ko gagawin ang sorpresa ko.
Kung sa field ko gagawin yun baka masyadong maging PDA. Pupunta na lang ako sa gym. Titingnan ko kung may tao o wala para doon ko na lang gagawin.
Kapag sinuwerte ka nga naman. Walang tao.
"Yes!" wala sa sariling nasabi ko ang mga katagang yun na dapat ay sa isip ko lamang.
"Bakit kaya nagsasalita mag-isa yang lalakeng yan?" sabi ng babae sa kasama niya.
"Ewan ko bess baka masaya lang."
Napahiya na naman ako. Dumiretso ulit ako sa canteen para tingnan kung nandoon si Karl. Eksakto naman na kumakain siya kasama ang girlfriend niya.
"Karl!!" sigaw ko, dahilan para lingunin ako ng lahat ng tao na nandito sa canteen.
Napapahiyang nagtungo na lang ako sa table nila Karl.
"Anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ng girlfriend niya.
"Nandito ako para humingi ng tulong sa kanya."
"Ano yun 'dre?"
"Hindi pwede" sabay na sabi nila Karl."Babe naman eh sinaktan ka na nga ng babae kanina ng dahil sa kanya tapos tutulungan mo pa siya." sabi ng girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.