Dianne's POV,
Maaga akong nagising pero wala akong balak bumangon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking plano. Nasanay na ako sa ganitong itsura, yung lagi akong nagpapanggap na pangit.
Pero sa hindi inaasahan may kumatok sa aking kwarto.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Ako 'to Dianne." sabi ng nasa likod ng pintuan at alam kung si kuya Mark yun.
"Anong kailangan mo kuya?" tanong ko.
"Kailangan mo ng bumangon at ayusin mo na din yang sarili mo, baka ma late ka pa."
"Sige kuya maliligo na ako." sabi ko at dederetso na sana ako sa banyo ng magsalita ulit si kuya.
"Ah Dianne bilisan mong maligo kasi may hinire kaming magme-make-up sayo." nagulat ako pero hindi na lang ako nag-salita at dumeretso na sa banyo.
Gaya nga ng sinabi ni kuya ay nandoon na ang magme-make-up sa akin. Pagkababa ko pa lamang ng hagdan ay tanaw na tanaw ko na si kuya na nakangiti habang nakatingin sa akin.
Suportado talaga ako nila kuya kaya gagawin nila lahat para sa akin. Kahit pa magmukha na silang mga bakla.
"Good morning." nakangiting bati ko sa kanila.
"Good morning," bati din ni kuya sa akin. "Handa ka na ba?" nakangiting tanong ni kuya sa akin.
"Oo kuya, pero sana bilisan niyo kasi baka malate ako."
"Sige."
Sinimulan na nila akong ayusan, nakakapanibago talaga dahil hindi ako sanay. Nasanay na kasi ako na simple lang ang ayos ko sa mga araw na dadaan.
Makalipas ang isang oras tapos na din nila akong ayusan. Humarap ako sa salamin at namangha ako ng makita ko ang aking sarili.
Ilang taon na din kasi akong hindi nag-aayos ng ganito. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at pumunta na ako sa school.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kotse. Pagkalabas ko palang ay ang dami ko ng naririnig na papuri. Hindi rin nila ako nakilala sa itsura ko ngayon.
"Ang ganda naman niya."
"Bago lang ba siya dito?"
"Sino kaya siya?"
"Gusto ko siyang maging kaibigan."
Ilan lang yan sa mga narinig ko mula sa mga estudyanteng nalalagpasan ko.
"Hi." bati ni kuya Darius.
"Oh, ikaw pala kuya." sabay kaming naglakad papunta sa aming mga classroom. Nang magsimula na kaming maglakad ay mas dumami pa ang nagbubulung-bulungan.
"OMG, girlfriend ba siya ni Darius."
"Ang swerte naman ni ate girl."
"Bagay sila."
Gusto kung matawa dahil sa mga reaction ng mga tao. Hindi talaga nila ako nakilala. Sinulyapan ko si kuya na halatang nagpipigil ng tawa kagaya ko kaya ngumiti na lang ako.
Pagka-dating ko sa tapat ng aming classroom ay may humarang sa akin.
"Sino ka?" tanong ni Jaime sa akin at gusto ko na namang matawa dahil hindi nila talaga ako kilala.
Ngumisi ako bago sumagot sa kanya, "Hindi mo ba ako kilala?" pabalang kong sagot sa tanong niya.
"Oh, ikaw pala Dianne. Totoo pala ang sinabi ng kuya mo maganda ka nga kaya lang mas maganda pa rin ako sa'yo." sabi nito.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.