♡Chapter 10♡

8 3 0
                                    

Dianne's POV,

Gabi na nung umuwi si Kiara at nag-aalala ako baka mapagalitan na naman siya pero ang sabi niya sa akin ay hindi na daw magagalit ang nanay niya dahil may dala na siyang pera.

"Dianne!!!" sigaw ni kuya Mark kaya sumigaw din ako pabalik.

"Bakit?!!!!" sigaw ko nga.

"Bakit hindi mo kami tinext na mauuna ka ng umuwi?" parang galit na tanong niya.

"Eh kasi kuya na lowbat ang cellphone ko dumaan din ako sa National Bookstore para bumili ng mga bagay na kakailanganin ko at tsaka bumili din ako ng libro." sagot ko habang nakayuko.

"Sa susunod kasi ay magpaalam ka para hindi kami nag-aalala. Alam mo bang pinagalitan kami nila mommy kanina dahil hindi ka namin mahanap." sabi niya at lumapit siya sa akin. "Huwag mo ng uulitin yun baby girl, ha?" sabi ni kuya at niyakap ako.

"Kuya?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Nasaan si kuya Darius?" tanong ko habang magkayakap kami.

"May pinuntahan lang." sagot nito pero hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Kuya bumitiw ka muna. Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap mo." sabi ko at kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at nagsorry.

"Diyan ka na muna magpapalitlang ako ng damit. At maghanda ka din dahil baka mamaya dumating sila mommy at pagsabihan ka." tinatakot niya ba ako?

"Sige kuya." sagot ko at pumunta muna sa kwarto.

Anong kayang magandang gawin?

Alam ko na manood na lang ako ng LITTLE EINSTEIN. Yehheyyy!!

Eksaktong pagkabukas ko ng TV ay kakasimula lang ng LITTLE EINSTEIN.

"5...4...3...2...1...We're going on a trip in my favorite rocketship going through the sky little einstein--"

"Hoy Dianne bumaba ka na daw diyan." ano ba naman 'yan.

Pati ba naman sa kaligayahan ko may pumipigil pa din. Gusto ko lang namang nakalimot eh. Masama ba yun?

"Bababa na!!" sigaw ko at inayos ang kwarto ko bago ako lumabas.

"Dianne where did you go?" tanong agad sa akin ni daddy pagkababa ko pa lang.

"I just went to the bookstore dad." sagot ko.

"Anak ba't hindi ka nagpaalam  o 'di kaya ay magpasama sa mga kuya mo?" tanong naman sa akin ni mommy.

"Mom, alam ko naman na mababagot lang sila kuya kapag sinamahan nila ako sa bookstore. At tsaka hindi din ako nakapagpaalam sa kanila dahil na lowbat yung cellphone ko."

"Okay. But next time magpaalam ka na sa mga kuya mo ha?"

"Opo."

"Halika nga dito.." sabi ni mommy kaya lumapit ako sa kanya at niyakap.

"Pasali naman." sabi ni kuya Mark at kuya Darius kaya natawa na lang ako.

Nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil binigyan niya ako ng pamilya na ganito. Handa silang damayan ka sa oras na malungkot ka o 'di kaya ay may problema ka.

"Sige na mga anak punta na tayo sa kusina para kumain." sabi ni mama. Tiningnan ko si papa at mukhang galit pa din siya.

"Sorry Dad." sabi ko at niyakap si papa.

I Love The Way You Are ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon