Dianne's POV,
Pagkatapos ng klase namin ay agad na akong umuwi. Hindi na ako sumabay kila kuya dahil baka makita nila ang namumugto kong mga mata.
Nagpahatid lang ako hanggang sa labas ng village namin dahil gusto kong maglakad-lakad para makapag-isip-isip ako.
"Ate Dianne!!" tawag ng isang bata sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at tiningnan ko ang kabuuan niya. Ang dami niyang pasa. "Anong nangyari sa'yo?"
"Ano kasi, ate...." hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lang siyang umiyak.
"Sinaktan ka na naman ba ng nanay mo?" tumango lang siya sa tanong ko.
Ang batang kasama ko ngayon ay si Kiara. Four years old pa lang siya. Lagi siyang sinasaktan ng nanay niya kapag wala siyang nakuhang pera.
"Halika pumunta muna tayo sa bahay." anyaya ko sa kanya.
Mabuti na lang at may mga candy ako sa bahay at tsaka may extra money din ako kaya bibigyan ko na lang siya.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya nung nakarating na kami sa bahay.
"Kahit ano na lang po. Gutom na gutom na po kasi ako." sabi niya.
"Halika. Pumunta tayo sa kusina at bibigyan kita ng makakain." sabi ko at nginitian siya. "Yaya!! Pwede po bang magpaluto?" tanong ko kay yaya.
"Ano bang gusto mo ihja?" tanong niya ng hindi ako tinitingnan dahil busy siya sa paghahanap ng mga rekado.
"Kahit ano na lang po." sabi ko at umupo. "Kiara gusto mo ba ng candy?" tanong ko kay Kiara.
"Opo. " masayang sagot nito.
"Pumunta muna tayo sa kwarto ko para makuha natin ang candy."
。。。
Christian's POV,
"Hoy!! Uwian na hindi ka pa ba uuwi?" sigaw sa akin ni Patrick.
"Ha!? Uwian na ba?" tanong ko sabay gala ng paningin ko sa kabuuan ng classroom.
"Kanina pa kaya. Ano ba kasing iniisip mo?"
"Wala."
"Kung wala ka talagang iniisip bakit lutang ka?"
"Wala nga."
"Anong wala nga? Ano yun trip mo lang mag day dream?" sarkastikong tanong niya. "Would you mind if you tell me what are you thinking right now?"
"Wala akong sasabihin sayo dahil wala naman talaga." sabi ko at inayos na ang gamit ko sabay labas ng classroom.
"Hoy!! Maghintay ka naman. Hindi mo pa alam ang mga pasikot-sikot dito. Tandaan mo 'NEWBIE' ka palang dito." diniinan niya pa talaga ang pagsasabi sa NEWBIE. Tsk.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hwag na hwag mo akong tatawaging newbie. "
"Okay."
"At para malaman mo alam ko na ang mga pasikot-sikot sa paaralang ito kaya hwag ka ng mag-alala. Kaya pwede mo na akong iwan at iiwan na din kita diyan." sabi ko at nagmadaling umalis. "Kasama ang mga multo." bulong ko nung hindi pa ako masyadong nakakalayo.
"Hoyy!!! Hintay!!! Pangako hindi na kita tatawaging newbie!" sabi niya at kumaripaspas ng takbo papunta sa akin.
Tsk.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.