Dianne's POV,
Nakakainis kasi nasurpresa ako nong tawagin ako sa harap dahil ako yung nanalo pero saktong pag apak to sa stage ay nabuhusan ako ng pintura. Nahihiya na din ako kasi pinagtawanan nila ako, buti na lang nandoon sila kuya kaya dali-dali silang lumapit sa akin para akayin palabas sa room kung saan naganap ang contest.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni kuya Mark, tumango lang ako bilang sagot dahil kapag nagsalita ako papasok sa bunganga ko yung pintura.
Pumunta muna ako sa cr para magbihis buti na lang at may extra t-shirt si kuya Darius. Pagkatapos kung bumalik pumunta kami nila kuya sa room nila Jaime dahil siya lang ang alam kung makakagawa no'n sa akin.
Ilang beses niya na din akong ipinahiya sa harap ng maraming tao at sobra na akong naiinis sa kanya. Ayaw ko siyang gantihan dahil ayaw ko ng palakihin pa ang gulo.
Pagkadating ko do'n ay tumatawa na parang bruha si Jaime habang ikinukwento ang nangyari sa akin kanina at dahil din do'n narinig kung siya talaga ang may pakana ng nangyari sa akin kanina.
"Kung nandoon din sana kayo ay nakita niyo ang mukha ni Dianne na puno ng pintura. Bwahahahaha." kwento ni Jaime na naging dahilan kung bakit mas lalo akong nagalit sa kaniya.
"Hoy Jaime!!" sigaw ko kay Jaime. "Ano na naman bang problema mo ha?" sigaw ko sa kanya at lumapit.
"Wala naman," sagot nito. "Ano nag-enjoy ka ba sa gift ko," sarkastikong sabi nito. "Kung sinunod mo sana kasi ang iniutos ko hindi yan mangyayari sayo. Bwahahaha."
Lumapit ako sa kanya at sinabunutan siya wala na akong pakealam kung tatawagin ako sa guidance office sumusobra na siya.
Lumapit sa amin ang mga kuya ko pero wala silang magawa dahil alam nilang gumaganti lang ako kapag sumusobra na ang isang tao.
"Pwede bang tumigil ka na," sigaw niya sa akin pero di ako natinag sinabunotan ko pa rin siya. "Nasasaktan ako. Arayyyy." .Pero bigla na lang ako ng may lumapit sa amin para awatin kami.
"Ano bang problema niyong dalawa at nag pang-abot kayo sa ganito," hindi na ako lumingon sa likuran ko dahil alam kung si Rico yun. "Ikaw Jaime, ano na namang problema mo?" tanong ni Rico sa kanya at sa tono ng pananalita niya ay mukhang galit siya.
"Problema," parang namamanghang sabi ni Jaime. "Well, ang problema ko ay ang babaeng yan," turo niya sa akin. "Dahil lapit siya ng lapit sayo at nagseselos ako, alam mo naman siguro na gusto kita. Masyado din siyang pasikat. Lagi na lang siya ang mabait." sabi nito, magsasalita pa sana siya pero nagsalita agad si Rico.
"Pero hindi sapat na dahilan yun para gawan mo siya ng masasamang bagay at ipahiya sa harap ng maraming tao," sabi nito na parang nauubusan ng pasensya. "At ilang beses ko bang sasabihin sayo na ako ang kusang lumalapit sa kanya at hindi siya." tuloy nito sa kanyang sinasabi.
"Alam ko, pero ayaw kung lumalapit ka sa kanya dahil nagseselos ako," sabi niya. "At higit sa lahat kahit pilitin ko ang sarili ko na huwag magselos sa pangit na yan ay hindi ko kaya." dagdag niya.
"Hoy, napakalakas naman yata masyado ng loob mo kala mo naman sobrang ganda mo." sabi ni kuya Darius at akmang sasampalin si Jaime pero pinigilan ko siya.
"Huwag mo ng patulan kuya." bulong ko sa kanya.
"Huwag mo na ulit iinsultuhin ang kapatid namin dahil kapag hindi na ako makatiis ay pipilitin ko ang kapatid ko na ilabas ang tunay niyang ganda." sabi ni kuya Mark.
"May igaganda pa ba siya?" tanong ni Jaime sa sarkastikong paraan.
"Oo, at baka kapag nakita mo siya ay maiinggit ka. Matalino ang kapatid ko at higit sa lahat maganda din siya ayaw niya lang na ipakita yun sa paaralang ito dahil ayaw niyang may nanggugulo sa kanya. Ayaw niyang masira ang future niya at ang concentration niya sa pag-aaral na di tulad mong walang ginawa kung hindi ang mag-paganda," sabi ni kuya Mark sa kanya na siya naman ikinabigla ni Jaime. "At napagtanto ko na ikaw ang kabaliktaran ng kapatid ko. Pangit ka kung wala kang make-up. Wala kang pakialam kung mabababa ang mga grades mo," at bago pa man makapagsalita si Jaime ay hinila na nila ako papaalis sa lugar na iyon. "Halika na."
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.