Dianne's POV,
Pagkauwi sa bahay dumiretso ako sa kusina para lutuin ang binili ko.
Inihanda ko na ang itlog at marshmallow. Nung mainit na ang palayok nilagyan ko muna ng kaunting tubig at saka ko nilagay ang marshmallow para ma-melt o matunaw.
Nang mag-melt na ang marshmallow nilagay ko ito sa isang container na hugis puso at saka ako kumuha ng itlog at kinuha ko rin ang food shaper (yung ginagamit para magkaroon ng perfect shape ang isang pagkain) na hugis puso rin.
"Wow, ang bango naman niyan." sabi ni kuya Myco kaya nagulat ako. Ang akala ko kasi ay naka-uwi na siya.
"Kuya bakit nandito ka pa?" inis na tanong ko.
"Matutulog kasi ako dito," sagot niya. "Para saan ba yang niluluto mo?" tanong ni kuya Myco. "Para sa akin ba?" nakakalokong tanong pa niya.
"Lakas ng hangin ah," sarkastiko kong sabi. "Anong akala mo kuya sa'yo 'to?" pabirong sabi ko.
"Siguro.....Bibigyan mo naman ako di ba?" pagmamakaawa niya.
"Titingnan ko po muna kung may matitira." biro ko sa kanya pero sa seryosong tono.
"Ehhhh, ang damot mo talaga. Isusumbong kita kay Mark." pagmamaktol niya.
"Hoy kuya hindi mo po bagay mag inarte ng ganyan para ka tuloy bakla. Bwahahahahahahaha!!!" hindi ko na mapigilang tumawa.
"Mark!!!!" tawag ni kuya Myco kay kuya Mark.
"Oh bakit?" sabi ni kuya Mark.
"Pagsabihan mo nga yang kapatid mo na huwag maging madamot." sumbong niya.
"Luh siya.....Siya na nga 'tong humihingi siya pa may ganang magalit." bulong ko.
"Anong sabi mo!?"
"Ang sabi ko po maghintay ka po diyan at ipagluluto po kita ng makakain." sabi ko at naglabas ng harina dahil parang may kulang sa niluto ko.
Pinaghalo ko ang itlog at harina. Niluto ko na lang yun ng mabilis at pinakain sila.
"Sige mga kuya maiwan ko na muna kayo diyan." paalam ko. "Huwag niyong kakainin yung nasa ref mga kuya ha dahil kapag kinain niyo hindi kayo makakatulong mamayang gabi." banta ko at pumunta na ako sa aking kwarto.
Tiningnan ko ang orasan at 7:30pm na pala. Mamaya na lang siguro ako kakain at matutulog na muna ako.
*After 30 minutes*
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba kaya naisipan kong lumabas. Nakita kong nagsasaya ang mga kabarkada nila kuya.
Ang lakas ng music at halos mabingi na ako sa ingay. Hinanap ko kung nasaan ang switch ng speaker at pinatay ito kaya lahat sila ay napatingin sa gawi ko.
"Kuya anong ibig sabihin nito!? Bakit ang ingay niyo!?" sigaw ko sa inis.
"Eh kasi nanalo kami kanina." sagot ni kuya Mark.
"Itigil niyo na ito. Bukas na lang kayo mag-celebrate." sabi ko at pumunta sa kwarto. Pero ng nakahiga na ako sa kama ay naalala ko na hindi pa ako kumain.
Kaya naglakad na ako papunta sa kusina. Eksakto naman na nakita ko sila yaya na kumakain kaya nakisabay na ako sa kanila.
Tahimik lang akong kumain at matapos n'on nanood muna ako ng TV. N'ong nakaramdam ako ng antok ay natulog na ako.
BINABASA MO ANG
I Love The Way You Are ||ON GOING||
Teen FictionThe love that they think it doesn't exist because their feelings was hurt one time. Pero sa huli na fall in love pa rin sila sa isa't isa.