Prologue

38 9 35
                                    

'I don't want to live.'

Ilang beses ko na nga bang sinabi ito sa sarili ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses na binigkas ng aking mga labi ang mga salitang ito na tila ba hindi nagsasawa. Pero heto pa din ako humihinga at nabubuhay pa sa malupit na mundong ito.

Pagod na ko. Pagod na pagod na ako sa lahat ng galit nila. Sawang-sawa na ako sa lahat ng sakit na tila ba walang katapusan. How I wish I was dead. Sana mamatay na lang ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maramdaman ang lupit ng mundo. Hindi ako magdadalawang isip na mamatay kung iyon lang ang tanging paraan para matakbuhan ko ang lahat ng ito.

Napapagod din ako. Nakakapagod na ang lahat na ang lahat ng sakit na gusto nilang maramdaman ko. Sawang-sawa na ako sa kalungkutan na tila ba walang hangganan. Pagod na din akong gumising sa umaga para lamang umiyak at magluksa sa dilim na kinasadlakan ko.

Again I'm tired. Tuwing gabi kapag mahihiga na ako sa aking higaan at ipipikit ang aking mga mata, hinihiling ko na sana kinabukasan wag na akong magising pa. Pero kahit sa aking pagtulog ay hindi ako nilulubayan ng sakit. Hinahabol ako nito kahit sa aking panaginip. Yung sakit na paulit-ulit akong pinapatay.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Kailan ko nga ba mararating ang katapusan nito? Hindi ba pwedeng lubayan niyo na lang ako? Please? Pabayaan niyo na lang ako? Hindi ko na kasi kaya. Pagod na pagod na ko. Gusto ko ng magpahinga.

Basag na basag na ko. Durog na durog na itong puso ko. At sinisira na ng sakit at pait ang katinuan ko. Unti-unti na akong kinakain ng dilim na naging tahanan ko. Naging takbuhan ko sa tuwing sinasaktan niyo ko.

Yung sakit na ito ay binubulag na ko. Gusto ko na lamang ipikit ang mga mata ko para hindi ko na maramdaman ang sakit. Hindi ko na makita kung bakit pa ako nabubuhay. Kung bakit pa ako narito sa mundong mapaghinagpis. Hindi ko na makita ang daan palabas sa dilim na ito. Sa tuwing lumalaban ako para makalabas dito sa impyernong kinatatayuan ko. Naranasan kong mamatay. Naranasan ko kung gaano kasakit ang mamatay ng paulit-ulit sa mura kong edad. At hindi ko na mabilang kung ilang beses na nga ba akong namatay ng hindi niyo namamalayan.

Hindi ko ginustong maging ganito. Pero wala akong pagpipiliin kung hindi yakapin ang madilim kong kapalaran.

I never wanted to be like this.
Depressed. Hurt. Tired. Empty. Useless. And worthless.

Nakikita niyo ba kung ano ang nagawa ng mga salita niyo? Kung paano ako pinatay nito? Napansin niyo ba kung gaano ako nasaktan nito. Malamang hindi. Hindi dahil dahil hindi niyo nakita o napansin. Dahil ayaw niyong makita. Sabagay yung mga mata ninyo sa kanila lang naman nakatingin. 
Ginawa ko ang lahat ng kaya ko just to make you prouds. Pero mukhang nagkamali lang ako. Dahil kahit anong gawin ko kailanman hindi ako magiging sapat sa inyo. Kailanman hindi ako makikita ng mga mata niyo. Dahil bulag kayo pagdating sakin.

Kaya hindi niyo napansin ang bawat hiwa ko sa pulso. Sa bawat patak ng dugo kagaya ng hindi niyo pagpansin sa bawat luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi niyo rin nakita ang pagtatago ko sa anino. Sa anino ng dilim at kalungkutan.

Hindi niyo ko hinayaang maging masaya. Kailanaman wala akong natatandaan na napasaya niyo ko o naging masaya ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang pakiramdam kung paano ang maging masaya. Dahil nakalimutan ko na.

Ang tanging ginawa niyo lamang ay hilain ako pababa. Ikulong ako sa impyernong mundo na ginawa ninyo para sakin. Bawat salitang binibitiwan niyo ay dinudurog at sinisira ako. What you did is making me feel devastated. You always making me feel that I was not enough... that I will never be enough..

Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon