Chapter 4

11 2 43
                                    

"What do you need? Kabibigay ko lang sayo ng allowance mo, noong isang araw. Wag mong sabihin na ubos na yon?" Iritadong bungad sakin ni Papa ng sagutin niya ang tawag ko
Wala naman ng bago dito. Palagi naman siyang ganito kapag tumatawag ako sa kanya. Hindi nga tumatagal ng limang minuto ang pag-uusap naming dalawa.

Dahil una sa lahat marami siyang gawain. At higit sa lahat ayaw niya din naman akong kausap.

Noon pa man ganito na siya sakin. Wala akong natatandaan na tinanong niya man lang ba ako kung kamusta ako. Kung okay lang ba ako?

Kailanman gindi ko naranasan ang magkaroon ng ama. Dahil kahit kailan naman hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya. Pero kahit na ganon lahat ng pangangailangan ko binibigay niya.

Maliban lang sa pagmamahal ng isang ama.

Hindi ko alam kung bakit o ano ang dahilan at ayaw niya sakin. Dahil hindi rin naman sakin sinasabi ni Nanay sa tuwing nagtatanong ako.

Ang palagi niya lang sinasabi sakin na mahal ako ng mga magulang ko. Mahal ako ni Mama at Papa in their own way.

Dahil katulad ng sabi niya walang magulang na hindi mahal ang kanilang mga anak.

Pero ngayon sa tingin ko mayroon. At ako yon.

Sila ang magulang na hindi mahal ang kanilang anak.

"Pa, graduation ko na po kasi bukas. Baka lang po gusto niyong magpunta."

"Marami akong kailangan gawin. Bakit hindi si Rina ang papuntahin mo? Siya na lang papuntahin mo. Marami pa akong gagawin. Sige na, ibaba ko na ito." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Dahil palagi naman ganito. Kailanman hindi nagkaroon ng oras para sakin si Papa, maging si Mama.

Nang ibaba niya ang tawag ay nilapitan ko si Mama na abalang nagluluto ng hapunan namin.

"Ma, 7:30 am ang graduation ko bukas dapat daw bago mag seven ay nandoon na."

"Bakit hindi mo sabihin sa Papa mo?"

"Hindi raw po siya makakapunta at marami siyang ginagawa."

"Ano ba naman yang Papa mo palagi na lang walang oras pagdating sayo." Napayuko na lamang ako dahil sa sinabi niya. Katulad ni Papa ay ayaw niya din magpunta sa graduation ko dahil may gagawin daw siya bukas.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at naggayak ng aking damit. Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ko ay maliligo pa lang si Mama.

"Mabuti pa mauna kana, susunod na lamang ako sayo."

"Pero Ma-"

"Mauna kana. Hahabol na lang ako." Hindi na lang ako nagsalita pa dahil alam kong labag din naman sa loob niya ang pagpunta.

Ayoko ng kulitin pa siya na sabay na kaming magpunta dahil baka mainid pa siya at hindi na nga siya magpunta pa. Nagpaalam na lang ako sa kanya at nauna ng magpunta sa school.

Pagdating ko sa school ay naroon na lahat ng mga kaklase ko kasama nila ang kanilang magulang. O kaya naman ay nakatatanda nilang kapatid. Yung iba naman Tita o kaya Tito nila ang kanilang kasama.

Katulad ng sabi ni Mama ay naghintay ako sa kanya hanggang sa pumasok na kami sa loob. Lumipas na ang halos dalawang oras ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Nagumpisa ng tawagin ang section namin upang umakyat sa stage upang makuha ang kanilang paranggal.

"Nasaan ang parents mo, Kath?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Rain.

"Susunod na lang daw sila."

"Kailangan mo pa naman ng magulang at aakyat ka sa stage." Ngumiti lang ako dahil sa sinabi niya.

Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon