Chapter 8

10 2 28
                                    

Raphael

Nang masilayan ko ang kanyang lumuhang mga mata. At marinig ang kanyang mga hinaing ay tila ba pinipiga ang aking puso.

Kaya kahit alam kong mali ang gagawin ko at isa itong malaking kasalanan kay Ama ay ginawa ko pa din.

Nang mawala ang kaniyang ulirat ay ang pagdating naman ni Azrael. Siya ang anghel ng kamatayan. Alam ko kung bakit siya nandito dahil sa ginawang pagpapatiwakal nito ay nagkaroon siya ng kasunduan sa isang demonyo.

"Anong kapangahasan ito, Anghel?" Hindi ako nagsalita at binuhat lamang sa aking mga bisig si Katherine.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisihan ito sa huli."

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Pero kailanman hindi ako magsisisi na isasakripisyo ko ang aking nga pakpak para lamang sa babaeng aking iniibig.

Alam ko ng siya ay aking iniibig ng pumintig ang aking puso ng una ko siyang nakitang tjmatangis sa sementeryo.

Magmula ng araw na yon ay palagi na akong nakasubaybay sa kanya. Alam ko lahat ng pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon.

"Kahit anong sabihin mo hindi mo siya makukuha sakin, Azrael."

Alam ko na may kasunduan na silang dalawa ni Katherine. Kaya nga siya narito ay upang singiling na ito sa kahilingan ni Katherine na kaniyang pinakinggan.

Ngunit hindi ako makakapayag na makuha niya mula sa akin si Katherine. Dahil alam kong sinamantala niya lamang ang kahinaan nito kaya sila nagkaroon ng kasunduang dalawa.

"Wag kang magsalita ng tapos." Hindi ko alam kung bakit ng masilayan ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang nga labi ay sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot.

Hindi para sa aking sarili. Kung hindi para kay Katherine. Tila ba pakiramdam ko ay may sinasabi ang kaniyang mga ngiti.

Dinala ko muna sa isang tagong lugar sa gitna ng kagubatan si Katherine. Bago ako bumalik sa itaas upang harapin ang aking kaparusahan.

Alam kong dahil sa aking ginawang kasalanan ay may kalakip itong malaking kaparusahan. Sapagkat nilabag ko ang utos niya

"Ano ang sa tingin mo ang iyong ginawa, Raphael? Isang malaking kasalanan ang iyong ginawa! Alam mo bang dahil sa iyong ginawa maari kang maparusahan ni Ama?" Bungad sa akin ni Michael na ngayon ay nanggagalaiti sa galit.

"Ano bang mali sa aking ginawa? Iniligtas ko lamang siya!"

Waka akong nakikitang mali na iniligtas ko ang babaeng aking iniibig.

"Alam kong tungkulin mo ang magligtas ng buhay pero hindi ang buhay na nakasanla na kay Azrael!"

Tama naman si Michael. Ang tungkulin ko bilang anghel ay ang magligtas ng may mga karamdaman o kaya namab ay ang mga humihingi sa akin ng tulong.

Ngunit hindi ang taong nakasanla na ang kaluluwa kay Azrael. Hidni ang gumawa na ng kasunduan sa isang demonyo.

"Hindi siya pagmamay-ari nino man! Anak siya ni Ama kaya may karapatan siyang mabuhay! May karapatan siyang pagsisihan ang kaniyang mga kasalanan! Isa lamang siyang tao kaya hindi masamang nagkakamali siya. Baka nakakalimutan mo Michael na walang nilikha si Ama na perpekto."

"Malaki ang kasalanang nagawa niya! Isang malaking kasalanan ang makipagkasundo sa isang demonyo! At wala iyong kapatawaran kahit pa na ikaw ay isang hamak na tao!"

Kasalanan ba talaga ng mga tao na mahina sila at nagagawa nilang talikuran si Ama?

Hindi ba kaya't wala siyang nilikha na perpekto upang matuto sila sa bawat pagkakamali na kanilang nagagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon