Chapter 6

13 2 7
                                    

"Magkaklase ang mga magulang mo noong high school kaya naman niligawan ni Papa mo si Mama mo. Pero wala pang isang linggo nanliligaw ang Papa mo ay sinagot na siya kaagad ni Rina. Mahal na mahal siya Mama mo kaya lahat binigay niya sa Papa mo. Kaya ka nabuo Kath dahil binigay niya ang sarili niya sa Papa mo. Pero ng magbunga ang ginawa nila at malaman nito na buntis siya ay ayaw siya nitong pakasalan. Nasaktan ang Mama mo dahil doon lalo na ng malaman niyang nagpakasal ito sa iba. Nang dahil doon ay nabinat ang Mama mo kapapanganak niya lang kasi sayo. Akala nga namin hindi na siya gagaling pero sa awa naman ng diyos gumaling si Rina."

Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nangyari kay Mama noon. Wala naman kasi siyang nababanggit sakin tungkol doon. Maging sila Tita at Nanay ay hindi rin sinabi sakin yon.

Kaya pala ganoon na lamang ang galit sakin ni Mama. Dahil sa tuwing nakikita niya ako naalala niya ang mga pagkakamali niya. Kung gaano siya katanga noon pagdating kay Papa.

Kung gaano niya din pinagsisihan na minahal niya si Papa at ako ang naging bunga ng mga katangahan niya noon.

Totoo nga ang hinala ko na hindi ako bunga ng pagmamahalan nilang dalawa. Dahil si Mama lang naman ang nagmamahal. Bunga lang ako ng libog nilang dalawa.

Napakasakit pala na malaman na anak ka lang sa pagkakamali nila.

"Tita totoo po ba na may gustong umampon sakin noon?"

"Saan mo naman nalaman yan?"

"Narinig ko po kay Mama."

"Pitong buwan ka lang ng ipanganak ka ni Rina. Marami kang kasabayan noon na ipinanganak katulad mong pitong buwan lang din. Ikaw ang mukhang hindi makakaligtas pero sa huli ikaw yung nabuhay at yung ibang kasabayan mo ay hindi nakaligtas. Your a miracle baby and also a fighter. At your young age you fought for your life. Dahil doon ginusto kang ampunin ng mag-asawang doctor na nagpaanak sa Mama mo. Hindi kasi sila magkaanak dahil baog yung lalaki habang may problema naman sa matres yung babae."

Kung pinaampon kaya ako noon ganito pa rin kaya ang magiging buhay ko? Malamang hindi ganito.

Pero hindi rin siguro ganon kasaya. Dahil hindi ko naman alam kung mamahalin ba ako nila.

Malamang hindi din. Dahil sarili ko ngang magulang hindi ko kayang mahalin. Sila pa kayang ibang tao lang.

"Bakit hindi po nila ako inampon?"

"Dahil ayaw ni Mama."

"Pero gusto ni Mama." Halos walang boses kong sabi dito.

"Kath, kung ano man yung narinig mo sa Mama wag mo na lang pansinin yon. Hindi yon totoo. Mahal ka ng Mama mo. Binuo ka ng pagmamahal nilang dalawa." Gusto kong tumawa sa sinabi ni Tita dahil maliwanag pa sa sikat ng buwan na wala akong lugar sa puso ng mga magulang ko.

"Tita, alam ko na ang lahat. Ako yung pagkakamali nilang dalawa. Pero kahit ayaw man sakin ni Mama at Papa nagpapasalamat pa din ako dahil binuhay nila ako. Yon lang saoat na sakin. Hindi naman nila ako minahal bilang anak nila at least hindi nila pinalaglag. Aaminin ko sayo Tita hindi ako nagpapasalamat na sila ang mga naging magulang ko. Pero nagpapasalamat ako kung dahil sa kanila hindi ko makikilala si Nanay."

Kaya kahit hindi man ako minahal ng mga magulang ko. Maswerte pa rin ako dahil mahal na mahal ako ng Lola ko.

"Minahal ako ng Mama niyo. Hindi niya ako itinuring na apo dahil tinuring niya akong anak niya. Hindi naman ako maswerte sa mga magulang ko maswerte naman ako sa Mama niyo. Siya ang tumayong Ama at Ina ko."

"Kath, mahal ka ng Mama mo." Sana nga tama ang sinabi mo pero hindi. Kung may mahal man silang anak nila hindi ako yon.

"No, they didn't. They just see me as their biggest mistake."

Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon