Nasasaktan ako na kahit saang sulok man ako ng bahay tumingin siya ang nakikita ko. Naalala ko siya. Pinapaalala ng bahay na ito ang mahal kong lola. Na kailanman hindi ko na muling makikita at makakasama pa. Dahil isa na lang siyang alaala.
Pinilit kong iligpit ang mga gamit niya kahit ang labag sa loob ko ang ginagawa ko.
Nilakasan ko pa ang volume ng speaker at hinayaangarinig ng mga kapit bahay namin ang bigbang songs na pinapakinggan ko.
Wala na akong pakialam kungmagalit man sila. O marindi man sila sa ginagawa ko. Ito lang kasi yung alam kong paraan para walang makari ig sa bawat paghikbi ko.
Gusto kong matawa sa sarili ko ngayon. Dahil mukha akong tanga na umiiyak habang nililigpit ang mga gamit niya.
Nang matapos akong maglipit ay niyakap ko ng mahigpit ang huling damit ni Nanay na hindi ko pa naililigpit.
Kahit alam kong masasaktan ako, gusto ko pang manatili rito. Gusto kong maamoy ang natural na amoy ni Nanay at baka sakaling maibsan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko.
Pero sino bang niloloko ko? Hindi sapat yung mga alaala na iniwan niya upang maging okay ako. Hindi sapat ang mga bagay na yon para mawala yung sakit sa puso ko.
Ang kailangan ko ay ang yakap niya. Pero alam kong kailanman hindi ko na mararamdaman pa ang init ng mga bisig niya. Dahil wala na siya.
Iniwan na niya akong nagiisa. Nagiisa sa mundong mapanghusga.
Gusto ko sanang magpunta sa mga kaibigan ko o kaya naman sa mga tiyahin ko. Pero pinili kong wag na lang. Dahil hindi ako sigurado kung handa ba silang damayan ako. Kung handa ba silang makinig sa mga kadramahan ko.
Makalipas ang ilang oras ay napagpasiyahan ko ng magayos at lumabas ng bahay. Naligo lamang ako at nagpalit ng damit.
Umalis ako ng bahay ng hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng simbahan. Hindi para magdasal o ipagdasal ang Nanay ko. Dahil alam kong kailangan ko siyang makausap.
Wala na akong pakilam kung makikinig siya pero nais kong siyang makausap.
Hindi na ako nagabala pang lumuhod at nanatili lamang akong nakatayo sa harap ng altar habang nakatingin sa imahe niya.
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. O kung ano man ang nagawa kong mali. Ginawa ko lahat. Totoo ginawa ko lahat. Naging mabuting anak ako sayo. Kailanman hindi ako nagalit sayo na lumaki ako ng walang magulang sa tabi ko. Tinanggap ko na bunga lang ako ng kabataan nila pareho.
Naging mabuti akong tagalingkod mo. Lahat ng utoso sinunod at sinusunod ko. Kailanman hindi kita sinuway. Bawat sabihin mo ginagawa ko. Lahat ng naisin mo sinusunod ko.
Kailanman hindi ako humiling sayo manatili sa tabi ko si Mama. Hindi ko hiniling na piliin niya ako kaysa sa nagpapasaya sa kanya. Hindi ko rin hiniling sayo na bigyan ako kahit konting oras ni Papa.
Minsan lang ako humiling. Minsan lang pero hindi mo pa nagawang pagbigyan! Isang beses lang akong nakiusap pero hindi mo man lang pinakinggan!
Kaya hindi ko alam kung anong nagawa kong mali, para gawin mo sakin to! Hindi ko alam ang naging kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito! Para parusahan mo ako ng ganito!
Nakiusap ako sayo na iligtas mo siya. Humiling ako sayo na panatilihin mong ligtas siya at malayo sa kapahamakan. Pero anong ginawa mo?
Kinuha mo siya! Hinayaan mong iwan niya ko! Hindi mo na lang ako pinajinggan! Hinayaan mong mawala siya sakin!
BINABASA MO ANG
Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)
FantasiArchangel Raphael is known as the angel of healing. He works to heal people's minds, spirits, and bodies so they can enjoy peace and good health to the fullest extent of God's will for them.