Para sa naghihintay ng ud nito ay maraming salamat sa inyong dalawa. I dedicated this chapter toAzertys_Lee at kayGalyna_Meagan
I'm sorry kung medyo matagal ang ud ko dito. To tell you the truth umiiyak ako kapag sinusulat ko ito. Bakit? Naalala ko yung lola ko dito. Toto yung nangyari ang bawat chapter ng story na ito. Pero may pinalitan lamang ako. So, please pagpasensyahan ninyo kung medyo matagal.
Dahil sa tuwing sinusulat ko ito I open up a wound just to write every chapter of this story.
_________________________________________
Buong magdamag ay nanatili lamang ako sa tabi niya. Hindi ako umalis dahil alam kong ito na yung huling sandali na makakasama ko siya.
Alas-sais na ng umaga pero tulog pa din ang mga tao dito. Yung ibang nakilamay ay nagpaalam na kaninang madaling araw pa.
Lumapit ako sa kabaong niya upang masilayan muli ang kanyang magandang mukha. Ang magandang mukha ng tumayo kong ina sa nakalipas na taon. Ang nagmahal at nagaruga sakin.
Hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. Dahil alam kong pagkatapos ng araw na ito hindi ko na muling masisilayan pa ang kanyang ganda.
Nay, ito na ang huling beses na makikita kita. Ito na yung huling beses na makakasama kita. Ito yung huling araw na masisilayan ko ang yong ganda. Mamimiss kita, Nay. Alam ko na katawan mo lang ang mawawala pero ikaw mananatili kang buhay sa puso't isip ko. Ang mga alaalang iniwan mo ang magpapaalala sakin na may mapagmahal akong lola.
Kaagad kong pinunasan ang luha ko ng maramdaman ko ang pagyakap sakin ng pinsan kong si Aila.
"You don't need to hide your tears. Ilabas mo lang. Hayaan mo lang tumulo ang luha mo para kahit papaano maibsan yung sakit." At dahil sa sinabi niya sa unang pagkakataon simula ng mawala si Nanay ay hinayaan kong makita ng Iba ang mga luha ko.
Hinayaan kong makita niya kung gaano ako kahina ngayong wala na ang lakas ko. Kung gaano ako nasasaktan sa biglaan niyang paglisan.
"H-hindi ko k-kaya.. h-hindi ko na s-siya makikita.. hindi ko k-kaya.."
"Alam ko mahirap at masakit pero kaya mo. Kakayanin mo para sa kanya. Kaya mo dahil alam mong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon." Hinayaan kong ikulong niya ako sa kanyang yakap habang patuloy pa din ako pag-iyak.
Kahit na iba ang pakiramdam ng yakap niya sa yakap ni Nanay. Okay lang sakin. Dahil alan kong kailangan ko ito. Kailangan kong maramdaman na hindi ako nag-iisa para makaya ko.
Para makaya kong tumayo ulit at maglakad ng hindi na siya ang kasama.
Akala ko naiiyak ko na lahat. Akala ko wala ng luha na muling lalabas sa aking mga mata pero nagkamali ako.
Nang ipasok na sa karo ang kabaong ni Nanay ay nag-umpisa na namang tumulo ang aking mga luha. Kahit anong punas ang gawin ko at pigil dito ay kusa pa din itong bumabagsak.
Tila ba may sarili itong isip na nais ipaalala sakin na nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ito na ang huling sandali ko kasama siya. Kailangan ko na siyang pakawalan kahit mahirap. Kahit sobrang sakit kailangan ko siyang ihatid sa kanyang huling hantungan.
Nang makarating kami sa sementeryo kung saan ililibing ang kanyang mga labi ay nagumpisa na ang pagpalahaw ng kanyang mga anak. Katulad ko hindi din matanggap ang biglaan niyang pagkawala.
Nang buksan ang kanyang kabaong ay hinagkan siya kaagad ng kanyang anak na pangalawa si Tita Rea.
"Ma, hindi ko kaya! Bakit mo kami iniwan? Paano na ang mga apo mo? Akala ko ba hihintayin mo silang ikasal? Bakit hindi mo ginawa? Ma! Bakit bigla mo kasi kaming iniwan?"
BINABASA MO ANG
Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)
FantasyArchangel Raphael is known as the angel of healing. He works to heal people's minds, spirits, and bodies so they can enjoy peace and good health to the fullest extent of God's will for them.