"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ng guard sa may pintuan ng hospital ng akmang papasok na sana ako sa loob.
"Pupuntahan ko po yung Nanay ko sa emergency room."
"Masyado ng maraming tao doon. Bawal ka ng pumasok." Hindi ko nagustuhan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Sino ba siya sa akala niya para pagbawalan akong puntahan ang Nanay ko?
"Naghihingalo na yung Nanay ko bawal pa din akong pumasok?! Kapag may nangyaring masama sa Nanay ko humanda ka!" Wala na akong pakialam kung mabastusan man siya sa tono ng pananalita ko sa kanya. Halatang nagulat ito sa sinabi ko kaya naman tumabi ito at hinayaan na akong pumasok.
Pagdating ko sa emergency room sa isang iglap tumigil ang pagikot ng mundo ko. At unti-unti kong nakikita kung paano gumuho ito ng makita ko ang Nanay kong nakahiga sa higaan ng hospital habang tinatakluban na ng kumot ang kanyang katawan.
"N-nanay." Mahina kong twag sa kanya umaasang baka sakaling marinig niya. Baka sakaling bumangon siya at salubungin akong muli ng mainit niyang yakap.
"Time of death, 6:07 am." Mga salitang bumasag sa puso ko at naging dahilan ng pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Para itong tubig na mula sa ilog na dumadaloy sa pisngi ko. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at pilit siyang ginigising at umaasang nagkamali lamang ako ng dinig.
"NANAY ANO BA GUMISING KANA DYAN! HINDI MAGANDANG BIRO YAN! NANAY!" Paulit-ulit akong nagmamakaawa sa kanya na baka sakaling pakinggan niya. Na baka sakaling kapag narinig niya maawa siya at bumalik siya.
"DOC, NAGMAMAKAAWA AKO SA INYO ILIGTAS NIYO PO ANG NANAY KO! LAHAT PO GAGAWIN KO BASTA ILIGTAS NIYO LANG PO ANG NANAY KO! M-MAAWA PO KAYO SAKIN! SIYA NA LANG PO ANG MAYRON AKO!" Hindi ako nagatubiling lumuhod sa harapan niya upang magmakaawa na iligtas niya ang buhay ng Nanay ko. Nagmakaawa ako sa kanya dahil yon lang ang kaya kong gawin para sa kanya.
"I'm sorry ginawa na namin ang lahat kaso hindi na niya kinaya." Pinipilit niya akong tulungan makatayo pero ng marinig ko ang mga salitang binitiwan niya hindi ko na mahanap ang lakas ko. Kahit ang mga tuhod ko nawalan na rin ng lakas.
"N-nakita ko Kath inasikaso nila si Nanay. Kaso hindi niya na talaga kinaya." Lumapit na sakin ang tiyahin ko na pamangkin ni Nanay. Kitang-kita ko ang awa at lungkot sa kanyang mga mata. Ayokong kinaaawaan ako pero kahit ako mismo awang-awa sa sarili ko.
"HINDI! HINDI YAN TOTOO! HINDI PWEDE!" Hindi ko kayang tanggapin ng ganon-ganon na lang ang lahat! Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mawala sakin! Hindi ko kaya. Ata kailanman hindi ko kakayanin.
"K-kath." Hindi ko pinansin ang pagtawag ng tiyahin ko sa pangalan ko. Malakas kong tinulak ang doctor na nasa harapan ko ngayon. Wala na akong pakialam kung mabastusan man siya sa ginagawa ko. Wala akong pakialam kung lumabas na akong walang respeto at pinag-aralan.
"GINAWA MO NA LAHAT?! KUNG GINAWA MO NA LAHAT SANA GISING NA ANG NANAY KO! SANA MAGALING NA SIYA NGAYON! PERO HINDI MO GINAWA!" Yumuko lamang siya at walang sinabi na kahit ano.
"AKALA KO BA DOCTOR KA! BAKIT HINDI MO MAGAWANG GAMUTIN YUNG NANAY KO!" Obligasyon niya bilang doctor na Iligtas ang mga taong may sakit. Pero hindi niya ginawa.
"I'm sorry."
"SORRY? SA TINGIN MO MAIBABALIK NG SORRY MO ANG NANAY KO? WALA KANG KWENTANG DOKTOR! PINAGSISIHAN KONG PINANGARAP KONG MAGING KATULAD MO!" Kitang-kita ko ang gulat na gumuhit sa kanyang mukha pero wala akong pakialam. Pinagsisihan ko ng pinangarap kong maging isang doctor. Pinagsisihan kong yon ang pinili ko. Simula ngayon binabaon ko na sa limot ang mga pangarap ko na yon. Lumapit akong muli sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Habang nararamdaman ko ang lamig na nagmumula sa kanyang katawan ay nararamdaman ko rin ang pagkabasag ng puso ko at ng buo kong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)
FantasyArchangel Raphael is known as the angel of healing. He works to heal people's minds, spirits, and bodies so they can enjoy peace and good health to the fullest extent of God's will for them.