Chapter 7

5 2 8
                                    

"Bakit ka na naman tumawag? Ano na naman ang kailangan mo? Kung pera ang kailangan mo ngayon sinasabi ko na sayo Kath wala akong pera! Marami akong gastusin ngayon at marami rin akong ginagawa!"

"Kung wala ka namang ibang sasabihin mabuti pa ibaba ko na to! Masyado kang istorbo!"

"Papa, I'm sorry."

"Tigilan mo ako sa kadramahan mo! Wala akong oras para dyan! Sige na naiistorbo mo na ko."

"Kath, napatawag ka? May kailangan ka ba? Nasaan ka ba ngayon? Balita ko lumayas ka daw sa inyo?"

"Rain, salamat sa lahat lahat. Nagpapasalamat ako na ikaw ang naging kaibigan ko. Nagpapasalamat ako na palagi kang nandiyan para sakin. Masaya ako na ikaw ang naging best friend ko."

"Ano ka ba naman ang drama mo na naman. Masaya din ako na ako ang naging kaibigan mo. Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita."

"Mag-iingat ka palagi at alagaan mo yung sarili mo. Magtapos ka ng pag-aaral at kapag nangyari yon isa ako sa matutuwa para sayo. Isa ako sa magiging proud dahil natupad mo na ang pangarap mo."

"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Kinakabahan na ako sayo. Nasaan ka ba kasi?"

"Rain, always remember wala man ako sa tabi mo para damayan ka. O punasan ang luha ko at maging sandalan mo sa tuwing nalulungkot. Palagi lang akong nandito para sayo. Hindi ka nag-iisa dahil nandito lang ako."

"Nasaan ka nga kasi? Pupuntahan nga kita."

"You don't need to know where I am. Tumawag lang ako para magpaalam."

"At bakit naman? Saan ka naman pupuntang babae ka? Wag mong sabihin na iiwan mo ko? Hoy! Nangako ka sakin na sabay nating tutuparin yung mga pangarap natin! Kaya hindi ka pwedeng umalis!"

"I'm sorry but I have to. I need to dahil ito lang yung tanging paraan para mapasaya ko sila. Kaya magiingat ka, mahal na mahal kita best friend."

"Tangina naman, Katherine! Nasaang lupalop ka ba kasi? Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama sa sarili mo! Tutuktukan talaga kita!"

"Thank you and I'm sorry Rain. Hindi ko na mapapatawad ang mga pangako ko sayo. Wag mo akong kalilimutan. Ako lang ang nest friend mo, Rain."

'I don't want to live.'

Ilang beses ko na nga bang sinabi ito sa sarili ko. Hindi ko mabilang kung ilang beses na binigkas ng aking mga labi ang mga salitang ito na tila ba hindi nagsasawa. Pero heto pa din ako humihinga at nabubuhay pa sa malupit na mundong ito.

Pagod na ko. Pagod na pagod na ako sa lahat ng galit nila. Sawang-sawa na ako sa lahat ng sakit na tila ba walang katapusan. How I wish I was dead. Sana mamatay na lang ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maramdaman ang lupit ng mundo. Hindi ako magdadalawang isip na mamatay kung iyon lang ang tanging paraan para matakbuhan ko ang lahat ng ito.

Napapagod din ako. Nakakapagod na ang lahat na ang lahat ng sakit na gusto nilang maramdaman ko. Sawang-sawa na ako sa kalungkutan na tila ba walang hangganan. Pagod na din akong gumising sa umaga para lamang umiyak at magluksa sa dilim na kinasadlakan ko.

Again I'm tired. Tuwing gabi kapag mahihiga na ako sa aking higaan at ipipikit ang aking mga mata, hinihiling ko na sana kinabukasan wag na akong magising pa. Pero kahit sa aking pagtulog ay hindi ako nilulubayan ng sakit. Hinahabol ako nito kahit sa aking panaginip. Yung sakit na paulit-ulit akong pinapatay.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Kailan ko nga ba mararating ang katapusan nito? Hindi ba pwedeng lubayan niyo na lang ako? Please? Pabayaan niyo na lang ako? Hindi ko na kasi kaya. Pagod na pagod na ko. Gusto ko ng magpahinga.

Promise Of Raphael ( Fallen Angel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon