Manika

42 20 0
                                    

Ang mga babae ay katulad 'yan ng isang manika
Marupok at puso nila ay mabilis masira
Lalo na kapag hindi mo iningatan ang kagaya nila.
Mga manikang nangangailangan ng pangangalaga at pagpapahalaga.

Sila nga ay maihahalintulad sa mga manika
Sapagkat sila'y nagtataglay ng magagandang mukha
Magkakaiba man ang kanilang katangian, kutis, at itsura
Subalit pare-pareho parin silang lumuluha.

Sila nga ay mga manika na dapat iniigatan.
Kung sino man ang nagmamay-ari sa kanilang puso't isipan
Sapagkat sila ay may pusong mamon na madaling masaktan
Lalo na kung ikaw ang napiling pag-aalayan.

Pag-aalayan ng kanilang natatanging pag-ibig
Pag-ibig na mas malinaw pa sa tubig
Mistulang lirikong kaysarap ng himig
Na kung iyong nanamnamin puso mo'y mayayanig.

Katulad nga ng sinabi ko sila ay parang manika
Pweding paglaruan at pagsawaan ng madla
Pagkatapos gamitin ay isasantabi na
Kapag hindi na gusto ay hahanap ng iba.

Subalit mga Ginoo ako ba ay inyong naiintindihan?
Ang nais kong iparating na madali silang paglaruan
Madaling linlangin kung kinakailangan
Ngunit mga Ginoo ang tunay na lalaki manika'y hindi pinaglalaruan at sinasaktan.

~Legendary_Euphrosyne

The TRUTH Where stories live. Discover now