Sagisag ng Bansa

22 10 0
                                        

Sagisag ng bansa

Ginagamit ng maraming dila
Iba iba man ang ating mga salita
Sa pamamagitan ng ating wika
Nakamit natin hangad na laya

Dilim na sumakop sa bayan at bansa
Ay lumiwanag sa paggamit ng ating wika
Siya ang ating dakilang ina
Dahilan ng ating pagkakaisa

Siya ang nagsisilbing gabay
Upang maabot natin ang ating tagumpay
Sa kanyang lakas na tinataglay
Sa ating landas ay walang mawawalay

Kayo binibini,ginang at ginoo
Matatawag niyo ba ang sarili niyo bilang tunay na Pilipino?
Kung isa kang banyaga sa sariling wika mo
Mas maalam ka pa sa iba kaysa sa wikang Filipino

Para bang lantang gulay
Ikay nawawalan ng kulay
Kapag Filipino ating tinatalakay
Ang iyong mata'y hindi pumupungay

Saan ba to patungo?
Ako na'y litong lito
Ano ba talaga ang tinatangkilik mo?
Wikang banyaga o wikang Filipino?

Ano ba itong aking nabalitaan
Balak tanggalin ang Filipino sa larangan
Paano na ngayon ang kabataan
Kung sariling wika nila'y hindi matututunan

Paghihirap ang tiniis nila dati
Digmaan ay nandiyaan mapa araw man o gabi
Ano pang halaga ng ipinaglaban ng ating mga bayani?
Kung ibang wika naman ang ating pinupuri?

Kaya't ating wika'y pahalagahan
Ito'y simbolo ng ating kasarinlan
Sabay sabay nating itangkilik wika nating kinagisnan
At huwag ikahiya sa kahit na sino man

The TRUTH Where stories live. Discover now