Social Media

53 23 0
                                    

Si social media na grabe makaimpluwensiya
Sakanya mo makikita ang pagbabago ng ating kultura
Na ang dating mga batang naglalaro ng patintero, taguan at kung ano pa
Ngayon mas gusto pa ang sumikat gamit ang social media

Dahil sa ating systema
Napadali lahat ng gawa
Imbes na pumunta sa labas ng inyong bahay bitbit ang gitara upang haranahin ka,
Ginamit nalang ang messenger oh diba pang madalian na

Mga kabataan ngayon hypebeast na kung pumorma
Dahil sa yun ang uso, sige tinularan na
Minsan na ring nakabuo ng alitan
Nang dahil sa isang pindutan

Mas marami kang makikitang kabataan sa walwalan
Kaysa sa kanilang eskwelahan
Hindi magpasalamat dahil nakakapag aral sila ng libre
Samantalang mas iniisip pa ang kanyang ipapalibre

Imbes na gamitin sa kabutihan
Social media naging pabonggahan
Post ng post magmukha lang mayaman
Kahit hindi naman galing sakanya ang mga larawan

Mga larawang pinasisikat nila
Upang makakakuha ng pera
Hindi naisip na may tao silang napahiya
Hubad na litrato ng dalaga kanyang ikinatrauma

Perang pangbaon sa eskwelahan
Ang ending naglalaro ng dota sa computeran
Ang diplomang kanyang inaasahan
Ay mahihirapan na niyang makamtan

Sa computershop nagpapaligsahan
Kung sino ang mga nanalo siyang magtatagisan
Sige lang sa paglalaro ng dota
Ang nakakainis lang may kasama pang mura

Nauuso na ngayon ang mga batang ina
Aba'y nagpapa abortion pa matawag lang na dalaga
Para itago ang katarantaduhang ginawa
At para rin maiwasan ang mga balibalita galing sa mga chismosa

Akala ko ba advance ka mag isip edi sana manlang naisipan mo ang iyong kinabukasan
Pati narin ang iyong magulang na kumakayod para sainyong umagahan
Hindi mo dapat pinairal ang iyong kalibugan
Dahil alam mo naman na pag hindi ka nag ingat ay makakagawa ka ng kababalaghan

Tsaka ngayon iyong pagsisisihan
Dahil sa pag gamit sa ipinagbabawal na kasangkapan
Kasangkapang kayang baguhin ang iyong kapalaran
Kapalaran na dapat makapagtapos ng pag aaral hindi ang makulong sa bilangguan

Nauso na rin ang lokohan
Yung akala mo totohanan
Sa huli ikaw rin ang walang laban
Dahil ika'y nagpaloko kaya nasaktan

Nakakabastos na rin ang mga nauusong salita
'Share mo lang' 'Pano mo nasabe' 'Kulang sa aruga'
Hindi ba halata na kaya natin kausap ang isang tao upang maibahagi natin ang ating mga saloobin?
Hindi niyo alam na dahil sa mga simpleng salitang yan ay nakakasakit na kayo ng damdamin

Sa mga memes ng kaklase mo hindi ka lang nagreact ng haha
Kulang na sa aruga ang tawag nila
Isasama pa ang iyong ina sabay sabi nila na 'nanay mo walang hiya'
Pag iisip pa ba ng matinong bata ang ganyan kasi parang kayo na ang kulang sa aruga

Basehan ng pagiging mayaman ay ang cellphone mong hindi mo naman pinag hirapan
At mga post mong magagandang larawan
Nawrong grammar lang o kaya nawrong spelling lang bobo na
Wow ha makapagsalita ka akala mo perpekto ka

Marami lang likes at comments ang larawan
Basehan na agad ng kasikatan
Buti sana kung nakakatulong sa kapwa ang kasikatan
Ngunit minsan inaabuso na nila kung kayat humahantong na sa alitan

Mga husgador nauso
Akala mo naman sila ang pinakaperpekto
Mapapansin nila kung ang suot mo ay bago
Tapos sasabihan ka pa ng 'ay hipon yan kase maganda ang katwan pero tapon ulo

Wala ka pa ngang criteria for judging,
Makapang husga ka akala mo hindi ka mukhang matsing
Minsan kung sino pa ang humuhusga
Sila pa ang kahusgahusga

Hindi lang nagsuot ng usong porma
Tatawagin na agad baduy o kaya naman ay lalaitin ka
Hindi naman ikamamatay ang hindi pagsabay sa uso nga
Atleast nga hindi nagpapafame kagaya ng iba

Social media grabe ka makaimpluwensiya
Nakokontrol mo ang ugali ng mga bata
Kaya mag ingat tayo sa pag gamit ng social media
Para makaiwas tayo ng gulo, alitan, at kung ano pa man

~Legendary_Euphrosyne

The TRUTH Where stories live. Discover now