Naaalala ko pa nung mga panahong may matatawag pang ikaw at ako
Masasayang ala ala nung meron pang tayo
Ngunit sinayang mo ang ating kwento
Nung sinumulan mo akong niloko at pinagmukhang uto utoNung una palang tayong magkakilala
Nabihag ako agad ng iyong mapupungay na mga mata
Tapos kumikinang pa
Na para bang tinatawag kaAt doon na nga yata
Nahulog nalang sayo bigla
Sa mga araw na lagi tayong magkasama
Hanggang sa naging malapit tayo sa isat isaNi hindi ko namalayan kung kailan nagsimula
Basta't kasama kita nagiging komportable nalang ako bigla
Tapos ang saya ko kung matagal kitang nakasama
At yun na nga sa sobrang saya ko ayun napatalon paNung inamin mo na may pagtingin ka
Saakin doon sa plaza
Sinagot kita para deretsahan na
Kaya't pinangako mo na walang magloloko sa ating dalawaPansamantala lang pala ang aking kasiyahan
Nung nakita ko na kasama mo ang aking kaibigan
Binigyan mo siya ng rosas at ikaw ay kanyang hinalikan
Alam ko lahat ay kasinungalingan pero ayon parin ako nag mamaang maanganIsang araw nagalit ka nalang saakin
Sabi mo na sawa ka na sa akin
Umiyak ako at pinilit sa sarili na panaginip ang lahat ng aking nararanasan
Sabi mo walang hanggan pero bakit may katapusanAkala ko noon ayos lang ang ating relationship
Pero hindi, dahil sinira mo kaya naging relationshit
Yung dating nagsasabi saakin ng mahal kita
Asan na siya wala na siya kasi nakahanap na ng ibaHeto ako ngayon nag iisa
Isa ka rin sa mga lalaki na sakit ang dala
Ngunit hindi ako magpapatalo sa iyong ginawa
Babangon ako para meron akong maipamukhaNa nagkamali ka sa pag iwan sa akin aking sinta
Dahil pagsisisihan mo pag mas naging better pa ako kaysa sakanya
Salamat sa pagmulat sa aking mga mata
Dahil sayo ako'y natuto naNaging masaya at kontento sa buhay niya
Ang dating tao na ginawa mo lang tanga
Dahil nagpatangay sa iyong mga salita
Sorry ha kasi wala na ang dating siyaOh ano may napala ka ba?
Sa pag papaiyak at pang iiwan mo sakanya?
Masaya ka na ba nung mga panahong nalaman mo na down na down siya?
Kung makita mo man siya ulit let's see kung may masasabi ka pa.~Legendary_Euphrosyne

YOU ARE READING
The TRUTH
Fiksi UmumMinsan mo na bang naisip kung gaano kaimpluwensiya ang systema natin sa ating pang araw araw na gawain? Siguro nga't hindi natin namamalayan na isa na tayo sa mga sumasabay sa uso. Para sa ating mga millenial ito kaya siguradong makakarelate kayo.