Prologue

4.6K 62 0
                                    

Kasalukuyang nagtitipa si Cassy sa kanyang laptop. Napangiti sya ng makitang malapit na sya matapos sa kanya ginagawang project.

President sya ng kanilang school ang Royal University kung saan puro girls lang ang tinatanggap. Siya ang binansagang "total package" ng school nila.

Siya nga pala, 18 years old na sya at kasalukayang 3rd yr student sa R.U.(Syempre advance, iba na talaga pag mataba ang utak) Halos wala ng maipintas sa kanya at masaya din sya sa takbo ng buhay niya.

Mahal na mahal siya ng mga magulang nya at ng kuya nya. Pero minsan ay may konting lungkot syang nadarama dahil para syang robot at tinalo nya pa yata ang mga ito sa pagiging masunurin ni hindi niya mapakita ang tunay na sya sa harap ng magulang nya dahil mataas ang expectations ng mga ito sa kanya.

Buti nalang at nandyan si Agatha Grace Gultian sa buhay nya - ang bestfriend nya simula elementary ito lang rin ang may alam ng kenkoy side nya. Dahil sobra silang nagclick simula bata ay napagkasunduan nila na same school lang sila hanggang college.

Gusto sana nya sa school ng kuya nya para lagi silang magkasama pero dahil robot sya este masunurin syang anak ay sa Royal University sya nag-aral.

*tok tok tok *

Pumasok na ang mommy ni Cassy at umupo sa harap niya.

"Sweetheart, next week ay darating ang tita Sally mo from abroad" parang engot lang na tatango tango si Cassy kung kelan ba naman matatapos na yung ginagawa niya eh. "I want you to meet her son si Lawrence. Pero next month pa ang dating nya. I'm sure magkakasundo kayo."

Cassy's POV

"Ok mom." alien na siguro ako sa paningin ni mommy kaya binibigyan niya na ako ngayon ng kaibigan. well, kasalanan naman nila yun noh biruin mo pati sa mall kailangan may kasama ako at take note pati baliw kung kuya nagpapakabody guard pa sakin. Ni hindi pa nga ako nakatapak ni minsan sa condo nun dahil lagi daw dun nakatambay yung mga ugok niya ding friends. Hay ang hirap maging isang babae na napapaligiran ng mga leon.

Muli bumalik sa sarili si Cassy ng biglang magsalita ang kanya ina.

"I like you to get to know him baby. Soon he will be your husband pag.tungtong mo sa tamang edad."

Parang pinompyang ang dalawang tenga ni Cassy sa kanya narinig. 'Ano daw? husband? ano ba tong pinagsasabi ni mommy pati ba utak niya nasali sa pagpapaface lift nya kanina?'

"What mom? Tell me that you're joking!" nagulat sya, ngayon lang sya nagtaas ng boses sa ina.

"Dont get me wrong hija. This is for you baby."

"Mommy, alam mong never ako nagbigay ng sakit ng ulo sayo. But this idea, i won't buy this." Mariin niyang sabi sa ina.

'hello? wala akong plano makasal sa hindi ko kilala noh! malay ko ba kung may lahing killer pa yang Lawrence na yan'

"Nag-usap na kami ng daddy mo. And that's final." yun lang at lumabas na ang kanyang ina.

Naiwang tulala si Cassy habang nakaharap sa pintuan kung san lumabas ang mommy nya.

"No!No!No! I need to do something! i wont marry that guy!"

Nang gabing iyo ay hindi nakatulog si Cassy. "Sumusobra na sila!". Nakaisip sya ng paraan para mabago ang pasya ng kanyang magulang thanks to her ever loyal friend na si Agatha. Bukas na bukas sigurado akong magugulat ang lahat. bwahahaha!

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon