Chapter 23

1.2K 45 0
                                    

Kumawala si Ram at humarap sa daddy ko. "Sir, Is it okay if I take her out for awhile?" Naimpress naman ako lalo sa kanya. Hmmm. Mayabang na magalang! Pwede na rin!

"By all means, son." hindi pa nagpepenetrate sa brain ko yung sinabi ni daddy ng bigla nalang ako hilahin ni Ram. Syempre san paba ang bagsak namin eh di sa rooftop!

"Wait lang Rufus! Anong son yung pinagsasabi ni dad? Magkapatid tayo?!"

Lumapit si Ram sakin saka pinitik yung noo ko.

" Stupid. Kahit kelan talaga baliw ka Mahal. Hindi tayo magkapatid sinabi nya yun kasi pakakasalan kita."

"Huh?!" nabigla ako sa sinabi niya.

"Cassandra listen to me baby please, I know that you love me too.."

"Mayabang talaga.." sabat ko

"Yeah I know that too.. Ilang beses mo ng sinabi yan sakin mahal. Please huwag ka munang magsasalita hanggat hindi pa ako tapos." tumango tango nalang ako hudyat na pwede na syang magsimula sa speech nya.

"I know you're mad at me. Can't blame you. Kalimutan mo muna yun for now" tumango tango ulit ako. Feeling ko nagiging aso ako pag si Ram ang kasama ko.

"I love you.." lumapit sya sakin hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at idinikit ang noo nya sa noo ko.

"I love you eversince I laid my eyes on you. Huwag mo ng tanungin kung kelan dahil hindi mo rin maaalala." Hoy naaalala ko kaya. Dun yun sa bar noh! sabi ko nalang sa sarili.

"Cassandra, all I want is to protect you but I can't do that if you will not allow me to love you.. Baby all  my life i've longed for this to happen. Matagal akong nangulila sa'yo. Call me selfish or what pero hindi ako papayag na makalabas ka sa building na'to hangga't hindi ka pumapayag na maging tayo."

Tumutulo na ngayon ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan pero parang naramdaman ko na to noon pa. Yung pakiramdam na may nagmamahal sayo ng higit pa sa buhay mo.Nagpatuloy si Ram.

"Please let me love you Cassandra, Hindi ko ipapangako ang perpektong buhay sayo pero gagawin ko lahat ng bagay na magpapasaya sayo. Ikaw nalang ang kulang sakin mahal."

Hindi ko na kayang itago pa. Hinalikan ko si Ram ng buong puso ko.Mahal ko siya matagal ko ng alam yun. Siya ang matagal na hinihintay ng puso ko. Hindi ako nagsisisi sa lahat ng ginawa ko noon dahil yun din ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

Nang matapos ang halik namin ay niyakap ko sya.

"Alam mo ba?" tanong ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa.

"Alam ang ano mahal?"

"Na hindi kita mahal." natawa ako ng bigla syang kumawala sa pagyakap sakin at tiningnan ako ng masama.

"Kasi mahal na mahal na mahal na mahal kita..." pagkasabi ko nun ay pinaghahalikan ko lahat ng parte ng mukha nya. Nagtawanan lang kami.

"Ngayon nalang kita ulit nakitang tumawa ng ganyan mahal." Napakunot ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang siya tinanong pa.

Hinila niya ako at umupo na kami sa upuan nya kahit marami namang chairs ay pinakandong nya ako sa kanya.

Nakaupo ako sa lap nya pero yung upper body ko nakaharap sa kanya. Bigla nya kong niyakap at pinatong yung baba nya sa balikat ko. "Let's stay like this baby.."

"So tell me what happened to you." Nakapulopot yung kamay ko sa balikat nya habang nilalaro laro ko yung buhok niya.

"Akala ko nakalimutan mo na.."natatawang sabi niya.

"Hoy Rufus kahit isang katerbang pick up line pa ang ibato mo sakin hinding-hindi ko makakalimutan na may utang kang paliwanang sakin.."litanya ko

"It's just my leg. Naaksidente ako noon."

"when?"

"During childhood. that's the reason why we went to the states, akala namin malulumpo na talaga ako but because we're rich." kinurot ko sya pero tumawa lang ang loko. "and the doctors there were good kaya nailigtas nila ako."

"Bakit naospital ka ulit kung ok kana?"

"Remember nung nag-away tayo under the rain? Nung umalis ka, hindi kita sinundan dahil nagalit ako sa sarili ko but when I heard from Grey na hindi kana bumalik sa room I got scared na baka may mangyari sayo. So tumakbo ako sa buong school para mahanap ka. My leg got numb good thing Grey was there at dinala niya ako sa ospital." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap.

"I'm sorry mahal. Susubukan kong wag pasakitin ang ulo mo pero hindi ako nangangako." hinalikan ko sya. "I'll make it up to you."

"It's alright mahal.Hindi naman kita sinisisi"

"Alam mo bang talo mo pa si superman, batman, superwoman at spiderman?" tumaas lang ang kilay ni Ram.

"Kasi sila superhero nga pero kahit minsan hindi pa nila ako nailigtas but you, no special powers just a handsome face and bad attitude, pero palagi kang nandyan para sagipin ako. I don't even need to call your name for help kusa kang dumadating para ilayo ako sa magulong mundo ko. And because of that, you are now my favorite human-hero!!! I love you Rufus!

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon