Chapter 27

1.1K 30 0
                                    

"Grey san ba tayo pupunta?" Nagtanong si Trex.Hindi ko pa nasabi sa kanila.

"Sa charity kung san nagvo-volunteer ang buong pamilya namin isang beses isang taon."

"Charity? Anong charity yun? Bakit hindi mo man lang sinabi na may ginintoang puso ka pala Grey." Tumawa pa sa Gelo habang nagsasalita.

"Actually si Althea ang nag-umpisa nito. Taon-taon niya kaming sinasama sa charity house kung saan kinukupkop ang mga batang lumpo at walang kakayahan ang mga magulang upang magtustos sa pangangailangan ng mga ito." Napansin kong bigla nanigas si Ram sa kinauupuan nito. Marahil ay maging ito nagulat

Nagsalita si Brad. "Ang bait pala ni Cassy eh. Hindi lang halata kasi mataray siya."

"It started 6 years ago. Namamasyal kami ni Althea sa mall ng makita namin na may isang bata na nahulog mula sa hagdanan. Agad naming tinulungan ni Althea yung bata at dinala sa ospital."

Seryoso na ngayong nakikinig yung tatlo.

"Nakaligtas naman yung bata pero sabi ng doktor malabo na raw na makapaglakad pa ito dahil napinsala ang buto nito sa paa. Pero mas naawa kami ng malaman na hindi kaya ng pamilya nito ang mga gagastusin upang ipaggamot ang anak nito dahil sa hirap ng buhay. Doon nag-umpisa si Althea sa charity niya alam kong malaki ang naging epekto nito kay Althea kaya sinuportahan namin siya. Kami nila mommy at daddy."

Si Ram ay hindi parin nagsasalita. Nakasandal lang ito sa upuan at nakapikit. Dumating din agad si Althea. Nang makaupo ito, bigla nalang yumakap si Ram dito at isiniksik ang mukha sa leeg ni Althea. Nagulat lahat sa ginawa ni Ram maliban sakin.

"What's wrong mahal? Ok kalang ba?" Tanong ni Althea kay Ram habang hinimas-himas ang likod ng huli. Nang hindi nagsalita si Ram binigyan ako ng nagtatakang tanong ng kapatid ko. Nagkibit balikat nalang ako bilang ganti.

Tahimik lang si Ram sa buong byahe. Hindi ito nagsawang yakapin si Althea hanggang sa makarating kami.

Agad naming inumpisahan ang programa. Si Lawrence at Agatha ang naging host. Ako at si Gelo ang naatasang magbantay sa mga bata. Si Trex at Brad ang naging mascot. Si Althea ang tumulong sa paghahanda ng pagkain habang si Ram ay nakaupo lang at malalim ang iniisip.

Hindi nakarating sila mommy at daddy dahil may iniinda daw ngayon ang mommy namin. Naintindihan naman iyon ni Althea at nangako na dadalawin si mommy pag-uwi namin.

Naging masaya ang buong araw na iyon. Masaya din ako dahil nakita kong masaya ang kapatid ko. Kinahapunan ay natapos ang programa at pinapasok na ang mga bata dahil napagod ang mga ito.

Naiwan kaming lahat sa veranda maliban kay Althea at Ram na biglang nawalang parang bumula. Agad naming inatake ang mga tirang pagkain.

Trex: Masaya pa dito kaysa sa club ah.

Brad: Grey taon-taon nako sasama sa inyo dito.

Gelo: Ako din pare. Sa susunod magdo donate na din kami.

Agatha: Dapat lang ng magkaron naman kayo ng kwenta sa lipunan na to

Lawrence: Tomoh!!!!

Tumingin kaming lahat kay Lawrence na ngayon ay busy sa sandwich niya.

Weirdo din tong isang to.

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon