Chapter 37

1.2K 31 1
                                    

Cassy's POV

Katatapos lang namin kumain ng dinner. Tumuloy kami sa cottage harap ng dagat. Parang mini house din yung cottage nila pero ang presko sa pakiramdam.

"I'm sorry mahal." nakaupo kami ngayon sa labas ng cottage. Nilingon ko si Ram.

"Kelan tayo uuwi?" Tanong ko

"Kapag pinatawad mo ka ako."

"Fine. You are forgiven." Walang emosyong sabi ko.

"Silly. Why do you hate me?" seryosong tanong ni Ram.

"I dont hate you Rufus.."

"Bakit ayaw mong makipagbalikan sakin?" napangiti ako sa tanong niya.

"Dahil hindi na pwede. Kasi alam ko na lahat."

"What do you mean?" nakakunot na ang noo niya ngayon. "If this is about the deal with your mom, come on Cassandra napakababaw ng rason mo. Sa lahat ng ginawa ko hindi pa ba sapat para malaman mong mahal kita?"

hanep ah! galing pala magtagalog nito pagseryoso.

"No Rufus. It may be childish pero masakit sakin yun."

Dahil alam ko na talaga kung bakit ka ganito.

flashback

Location: Rest house

"Cassy san na kuya mo at si Ram?" tanong ni Brad.

"Dunno." busy si Cassy sa pag-aayos ng gamit. Babalik na sila ngayon sa manila

"I saw them talking outside. Mukhang seryoso kaya di ko na nilapitan." Si Gelo.

"Ayos si bossing ah. Mukhang hinihingi na kamay mo madam ah."

"Shut up Trex." sambit ni Cassy

"Pero buti nalang dumating ka sa buhay nun Cassy. Atleast nakalimutan niya na yung babaeng kaaway niya."

"Tumigil ka kung ayaw mong malagot kay Ram" Saway ni Brad.

"No. Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Cassy kay Trex.

"Wala ano kaba?" umiwas ng tingin si Trex.

"Trex, mas matakot ka sa galit ko kaysa sa galit ng kaibigan mo." halatang natakot si Trex sa banta ni Cassy.

"Eh kasi basta wag kang maingay. Nagkaroon kasi ng kaaway na babae si Ram nun. Nagulat nga kaming lahat kasi first time na may pinatulan na babae si Ram." Sumabat naman si Gelo

"At kung sino man ang babaeng yun inani niya talaga ang galit ni Ram."

"Sinong babae yun?" Curious na tanong ni Cassy

"No one knows. Ang alam ko lang sa bar nakilala ni Ram yun. Nag-away sila, sinukahan siya, dinala niya sa J's Hotel." lumingon lahat kay Trex.

"Hoi huwag kayo maingay ha. Ako lang ang sinabihan niya nun eh. Basta yun nga ang plano niya hahanapin niya yung babae at maghihiganti nga daw sya dun"

"Isip-bata naman." Si Brad

"Oo natawa nga ako kasi nun ko lang nakitang baliw si Ram so nagsuggest ako na pag nakita niya yung babae ligawan niya paasahin niya tapos iwan niya." tatawa-tawa pa si Trex.

"Ibig mong sabihin paglalaruan niya lang yung babae?" Si Cassy.

"Oo. pero di naman natuloy yun kasi na in-love na sayo." Si Trex. Natutop ni Cassy kanyang bibig.

'Hindi totoo ang lahat?' nagpalaam si Cassy sa mga kasama at lumabas.

end of flashback

Bumalik ako sa kasalukuyan ng hawakan ni Ram ang kamay ko. Nakaluhod na siya sa harap ko ngayon.

"Can we start again? Huwag kana magalit sakin."

"Rufus, just because I broke up with you doesn't mean that I hate you. Hindi ako galit sayo.." nagtinginan kami.

"Siguro hindi na kita mahal Rufus. Yeah that's it. Hindi dahil hindi na kita mahal ibig sabihin galit na ako sayo."

"What?! Bakit ang bilis?" Hindi ako makapag-isip na palusot. "I don't believe you."

"May mahal na akong iba." bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Come on Cassandra hindi mo naman kailangan magsinungaling pa. How can you love someone else kung tayo lang ang magkasama noon."

Isip isip isip..

"I'm inlove with Lawrence!" biglang tumahimik ang buong paligid.

Limang minutong walang nagsalita nang bigla tumayo si Ram at hinila ako patayo.

"Ano na naman ba Cassandra!" galit na sya ngayon at nasasaktan ako sa hawak niya. Napaiyak na ako

"You want an answer diba kung bakit ayoko ng bumalik sayo?! And now i'm telling you the reason it's up to you kung maniniwala ka o hindi."

"kelan pa? akala ko ba ako lang ang tama sa puso mo?"lumuhod na sya sa harap ko at umiiyak na din

"akala ko din Rufus. Pero si Lawrence, mahal ko pala sya..minahal ko sya ng hindi na namamalayan.." matagal na katahimikan bago tumayo si Ram at umalis sa harap ko pero bago siya makalayo ay muling nagsalita

"pack your things. iuuwi na kita." halos madurog ang puso ko sa malamig na tungo ni Ram sa akin. Lumuhod lang ako at tuluyang umiiyak.

Bakit parang mahal mo ako Rufus? Tama ba ang ginawa ko sayo? Ano ba talaga ang totoo sa hindi? Hindi ko na alam...

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon