Chapter 34

1.1K 26 0
                                    

Cassy's POV

"Althea, he is here." magsilang sabi ni kuya Grey sakin. Tumango ako at sinipat muli ang ayos ko para sa gabing ito.

I'm wearing a simple white dress for a simple dinner date with my ex. Tumayo din ako agad at pagbaba ko mula sa aking kwarto nadatnan ko siya kausap si kuya at ang parents ko.

"Oh she's here." kita ko pang kinilig si mommy sa sinabi niya.

"You are so beautiful like your mom anak." si daddy.

Lumapit si Ram sakin at hinalikan ang kamay ko. 'Baduy talaga.'

"Shall we?" dinedma ko lang sya at lumabas ng bahay.

"Take care of our princess Ram." rinig kong sabi ni kuya. Nilingon ko sya at tiningnan ng masama pero ngumisi lang ito.

Sumakay na kami sa kotse ni panget. While on our way nagsalita ito, marahil hindi kinaya ang nakakabinging katahimikan.

"This night will be memorable for the both of us Cassandra."

"K.." yun lang ang sinabi ko busy ako sa paglalaro ng candy crush. Sakaling dito magkaron pa ng kwenta ang buhay ko kaysa makipag-usap sa kanya.

"Suplada." rinig kong sabi niya pero di ko sya pinansin.

Nagulat ako ng tumigil ang sasakyan niya sa parking lot ng school namin.

Dito lang kami magdi-date? Bakit parang hunted ang school?

"ayoko dito." nakasimangot na sabi ko.

"why?" lumapit ito at hinawakan ang kamay ko hindi nalang ako pumalag kasi natatakot talaga ako ngayon dahil walang ilaw ang school.

"Loko ka ba? Anong gagawin natin dito? hide and seek?" handa na akong layasan sya ng biglang lumiwanag ang buong paligid.

Wala akong pakialam kung mukha akong tanga sa harap ni Ram. Literal na napanganga ako dahil ang pinag-isipan kong hunted school kanina ay pwede ko ng pagkamalang isang kastilyo na sa fairytale ko lang nakikita.

Napakalinawag. Napakaraming kulay. Nahuli ko ang masayang mukha ni Ram. Ngumiti ako sa kanya wala ako sa mood magpakasama ngayon.

"Let's go." naglakad na kami. Natawa ako dahil mukhang alam ko na kung san ang bagsak naming dalawa. Hindi nga ako nagkamali -sa rooftop!

Ang rooftop ay mukhang hindi rooftop ngayon. Napakaganda ng pagkakaayos. May tumutugtog ng "Wonderful Tonight".

Umupo na kami. Akmang iinumin ko na yung wine ko ng pigilan ako ng Ram.

"Mamaya kana uminom baka malasing ka agad."

"Wine lang to."

"I insist." Hindi nalang ako nakipagtalo pa sumunod ako sa kanya at inilapag ang wine glass ko.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Ram habang kumakain kami.

"Yeah." matipid na sagot ko

"I miss you..." napaangat ako ng tingin at nag-abot ang mga mata namin. Malungkot ang mata niya. "Cassandra, I love you.."

"Please. Huwag natin sirain ang gabi."

"Do you hate me?" malungkot na tanong ni Ram.

"I want a peaceful dinner Rufus so please.."

"Do you love him?"

"What are you talking about?" inis na tanong ko kay Ram. Nilapag ko na ang kubyertos ko.

"Importante ba talaga sya para gawin mo to? Para sumama ka sa taong kinamumuhian mo."

"You mean si Lawrence?Come on Rufus, tigilan na natin to. Sige sasagutin kita para matahimik ka. Oo, sumama lang ako ngayon sayo dahil kay Lawrence." Uminom ako ng wine saka ko pinunasan ang labi ko. "Kahit mga inosenteng tao dinadamay mo sa pagkabasagolero mo. Ginawa ko na ang usapan natin I hope you'll keep yours. I'm going home."

Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nakaramdam ako ng matinding hilo.

Nanghina ang mga tuhod ko ar ramdam ko na nawawalan ako ng lakas. Unti-unti akong natumba pero bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko na may sumalo sa akin.

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon