Chapter 25

1.2K 35 0
                                    

Kanina pa ako nakabihis. Pero nandito parin ako sa loob ng kwarto ko. Kinakabahan ako dahil ngayon ko balak umpisahan ang pag-iimbestiga kay Ram.

Hindi ko na kayang ipagpabukas pa ang lahat. Dapat ngayon pa lang ay magkaalaman na kung anong tunay na kulay niya.

Tumayo na ako at naabutan si Ram naghahanda sa kusina. Tumikhim ako upang ipaalam ang aking presensya.

"Aherm." Tumingin siya at ngumiti.

"Good morning mahal." bati ni Ram sakin.

Eto na Cassy! Kaya mo yan!

"Mahal, sa tingin mo okay lang yung suot ko ngayon?" Pinalambing ko yung tono ko sa kanya.

Lumapit naman si Ram at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hmmm. Okay naman mahal. Pero siguro bawasan mo yung blush on mo, tapos instead of flats why dont you try one of your heels? May favorite ako na heels mo mahal, yung pink na binili natin last time"

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko.  ' One Point.."

***

Nasa gym naman kami ngayon nila Lawrence at Agatha habang nanonood ng basketball game na lima lang naman ang players. Sila Trex, Gelo, Brad, Kuya at si Ram.

Lawrence: Sus, Masyado kang mapaghinala Cassy.

Agatha: Sabi mo nga 5 points diba bago mo mapatunayan na bakla nga yang boyfriend mo. Eh nakaka 1 point ka palang nagconclude kana agad.

Ako: Ah basta kailangan natin syang subaybayan buong araw. Kung ayaw nyo akong tulungan eh di huwag!

Tiningnan ko yung dalawa ng masama. Mukhang wala na rin silang choice kundi tulungan ako.

Nanonood parin kami ng game. Nahihilo na nga ako kasi takbo lang ng takbo yung lima. Napasinghap ako ng makita ko ang nangyayari sa court. Alam kong maging yung dalawa ay nakita rin yun.

Kitang-kita ng mata ko si Ram, nakayapos ito sa likod ni Trex habang si Trex naman ay gustong kumawala! Pero mas nagulat ako sa narinig ko mula kay Lawrence.

"OMG!"Sigaw ni Lawrence. huh?! Anong pauso yang bakla-baklaan effect mo Lawrence? Tanong ko sa sarili.

Nagtinginan kaming tatlo at alam ko na iisa lang ang nasa isip namin..

2 points!!!!!

Nang mag 10AM ay sabay-sabay na kaming pumunta sa room para sa klase namin. Lumapit naman si Ram sakin saka ako inakbayan.

"You smell good mahal" Hindi pa nakuntento, hinalikan pa ang buhok ko. Siniko ko naman sya. Manggagamit ka!

Nang makarating kami sa room umupo na kami sa kanya kanya naming silya. After 30 minutes kinalabit ako ni Agatha at Lawrence sabay tinuro ang direksyon ni Ram gamit ang nguso nila.

Agad lumipad ang mata ko doon. Halos himatayin ako ng makita kong busy si Ram sa pagsusulat at ang ballpen na gamit nito ay kulay pink!!!!!! Hindi lang iyun, may design pa itong feathers at glitters!

Jusko!Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Favorite color nya ang pink! 3 points!

***

Para kaming mga spy ngayon sa HRM building. Sinundan namin si kuya at Ram dito, kasi magluluto na ang mga yun ng lunch ko.

Nakasilip kami sa bintana habang nakaluhod upang hindi nila mapansin na nandoon kami.

Lawrence: Cassy, wag na natin ituloy to. Masasaktan ka lang.

Ako:Manahimik ka Renz. Ngayon pa ba ako titigil eh 2 points nalang malalaman ko nah!

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ngayon dito ng mga nagdaraanang mga estudyante. Maya-maya lumapit si kuya kay Ram hawak ni kuya sa kabilang kamay ang plato sa isa naman ay takip ng kaldero.

Hinipan-hipan muna ni Ram yung kutsara kung saan nakalagay ang kunting ulam na niluto niya saka nilapit iyon sa bibig ni kuya. Mabilis naman sinubo ni kuya ang laman niyon.

Walanghiya ka kuya!Pati ikaw ginamit ako para itago ang relasyon ninyo ni Rufus!

Sabay-sabay kaming tatlo napaupo sa tiled floor. Bumuntong hininga ako at sinabing "4 Points"

Natapos na ang last period namin sa araw na iyon. Nasa labas ako ng room kasama si Lawrence at Agatha. Hinihintay nalang namin si Ram dahil nasa loob pa ito abala sa pakikipag-usap kay Gelo.

Matapos ng mga nakita ko sa HRM building ay hindi na ako napakali. Buti nalang at 4 points pa ang nakakalap ko. Lihim akong napahiling na sana matapos na ang araw na ito. Ayoko malaman ang katotohanan.

Natanaw ko na palabas na sila Gelo at Ram pero bago naghiwalay ay ipinagbangga muna ng dalawang lalaki ang kanilang dibdib habang magkahawak ang kanila kamay. Narinig kong nagsalita si Ram.

"Thanks dude" tinapik lang ni Gelo ang balikat ni Ram

"No worries Ram, Love yah man!" tama ba yung narinig ko? I Love You! Walanghiya ka Rufus! Una ako ang niloko mo! Ngayon naman si Kuya!

Rinig ko sa kabila side ko ang sabay na pagsabi nila Lawrence at Agatha ng:

"5 points"

Hindi nako nakatiis lumapit na ako sa likuran ni Ram at ng makaharap siya nagsalita ako agad.

"Rufus Adrien Johnson! We need to talk" Kung dati rati ay ako ang kinakaladkad ni Ram ngayon iba na. Kinaladkad ko siya hanggang umabot kami sa rooftop.

Nang makarating ay tinulak ko sya at lumayo ako sa kanya.

"Woah! Napakafierce mo naman mahal." Manghang sabi ni Ram.

"Manahimik ka! At kelan mo balak sabihin sakin ang totoo ha Rufus?"Nanlilisik ngayon ang mata ko sa kanya

"What truth mahal?" bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Yung totoo na........

..na bakla ka!" Pinipigil ko ang aking mga luha sa pagtulo.

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon