Chapter 3

1.9K 39 1
                                    

Trex's POV

Nandito ako ngayon sa condo unit ni Ram ang leader ng grupo namin na mga gwapito. Nagulat ako ng mauna pako sa kanya. Kanina kasi may usapan kami na magkikita kami sa bar kaso nakalimutan ko syang itext na hindi ako matutuloy pano kasi tong si daddy may business dinner at sinama pako eh isang katerbang hikab lang naman ang inabot ko dun.

Nagtext sakin si Ram na magkita daw kami ngayon sa condo niya para patayin ako pero wala pa.hehe!

Naghintay pako ng ilang sandali ng biglang pumasok si bossing na nakasimangot. 'Wala sa mood. Lagot ka talaga Trex'

Hinubad ni Ram yung jacket nya at basta nalang tinapon sa kung saan. Umalingasaw yung masamang amoy.

"Uh! Ano yung amoy na yun bossing?" tinakpan ko yung ilong ko.

"huwag kang magtanong dahil kasalanan mo yan!" nagulat ako kasi mukhang inis nga si bossing, grabe naman may valid reason kaya ako.

"Patawad na bossing! si erpat ang may kasalanan..." hindi ko na natapos pa yung sinasabi ko

"That girl! magbabayad talaga sya sakin" kumurap kurap ako. Tama ba yung rinig ko? Girl daw? kelan pa nagkaron ng kakilalang babae si bossing?

"Huh?" chineck kong maigi kung si bossing ba tong nasa harap ko, takte! sya talaga to pero yung sinabi niya? Ano yun?

Alam naming magbabarkada sa walang pakialam si Ram sa mga babae ni hindi nga namin narinig na nagmention sya ng kahit sinong babae maliban sa mama niya syempre.

"That girl. Yung kutong lupa na yun ang may kasalanan kung bakit amoy suka ako and thanks to you! kung hindi mo ko niyaya sa bar na yun hindi ko sana makikita yung engot na babaeng yun."

Parang may mga anghel na biglang nag-awitan sa pandinig ko dahil sa mga sinabi ni Ram. Tao na sya! Isa na syang ganap na tao! Pero naputol din yun ng biglang magsalita si bossing.

"Do not disturb me not unless I tell you to do so!" yun lang at pumasok na sya sa kwarto at pabalibag na sinara ang pinto. Hinanap ko agad yung phone ko kailangan ko ng ibalita ang good news! Sino kaya yung babaeng yun?

Grey's POV

Pagdating namin sa hotel dumeritso agad kami sa frontdesk at nagtanong. Buti nalang ay kilala na kami dun kasi labas masok na din naman kami kaya walang naging problema.

"Miss, do you happen to know who brought my sister here?" curious na tanong ko sa babae.

"I'm sorry sir but he didn't give any copy of his identification. If you want you can ask your sister. Please proceed to room 3401." Nagpasalamat nalang ako sa babae at pinuntahan na namin yung loka-loka kong kapatid sa 3401.

Frontdesk assistant 1: Girl bat di mo sinabi kung sino naghatid dun sa guest natin?

Frontdesk assistant 2: Loka kaba? Mahal ko pa ang trabaho ko at gusto ko pang makakita ng mga gwapo dito. Di mo ba narinig yung bilin ni Mr. Johnson na huwag na huwag ipagsabi na sya yung nagdala dun sa lasing na guest.

*********

Cassy's POV

'urh! ang sakit ng ulo ko. Teka nasan ba ko? Ah okay nandito naman pala ako sa kwarto ko..wait nandito ako? ha? pano ko napunta dito?'

Tatayo na sana ako ng biglang bumulaga sa gilid ko ang mukha ni kuya Grey kumurap pako kung talaga mukha ba yung nakikita ko o sama ng loob, hindi kasi ma spelling ang mukha ni kuya.

"Hi kuya! nu gawa mo dito?" ngumiti ako ng todo kaya lang mukhang abnoy parin si kuya, lukot parin yung mukha. "Problem kuya?"

"Oo problema." Si kuya na umuusok na ngayon ang ilong. Problema nito? Naubusan bato ng babae? "What is wrong with you Althea?!" nagulat ako dahil sinigawan ako niya ako. Di nya pa kaya yun nagawa ever sakin ngayon palang.

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon