Chapter 30

1.2K 31 0
                                    

2 days later

Ram's POV

We are here at Grey's condo. Tumawag si Grey kanina at nagsabi na umuwi na mula sa ospital si Cassandra kaya agad ako tumungo sa unit nila. Naabutan ko din sila Trex, Brad at Gelo doon.

Naging maayos ang operation ni tita. Sabi ng doktor ay huminto daw ang puso nito during the operation mabuti naman daw at narevived din agad. She's now in her private room kaya nakauwi na si Cassandra.

"Hindi niya parin ako kinakausap." Si Grey iyon.

"Galit pa rin ba?" Tanong ni Trex.

"No. I know my sister. Hindi siya nagagalit ng ganun katagal." Narinig naming lumabas si Cassandra mula sa kanyang silid kaya hindi na kami nagsalita pa.

Lumapit sya sa amin.At hinarap ang kuya niya.

"I'm going home."

"You mean sa bahay?" Si Grey. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanila.

"Yeah. Yung matagal mo ng gustong gawin ko. Mom needs me." nalungkot ang mukha ni Grey dahil sa malamig na pakikitungo ng kapatid.

"I will take you home.Ayusin mo na ang gamit mo" Si Grey

"No. Tell my driver to pick me up." Nag-abot ang mga mata namin.Sandali lang iyon at agad ding binawi ni Cassandra ang tingin. Tumalikod ito at bumalik sa kwarto.

I swear I saw pain in her eyes. Parang kinurot ang puso ko ng makita ko iyon kay Cassandra. I don't want to see her get hurt.

"Hindi siya galit Grey."Ako ang nagsalita. "She's hurt. Nasasaktan sya." Hindi ko na kinaya pa. Sumunod ako sa kwarto ni Cassandra.

When I opened the door I saw her packing her things. Nilingon niya ako pero binalik din agad ang mata sa kanyang ginagawa.

"What are you doing here?" Malaming parin siya

"Cassandra we need to talk. Huwag ka namang ganito. Let's fix things up baby."

"Let's end this Rufus."

"What do you mean?"

"I'm breaking up with you." Para akong sinampal ng marinig ko iyon mula sa kanya

"Why? I mean, No! Hindi ako papayag." Humarap na sakin si Cassandra.

"Para san pa Rufus? You don't need to do this. You don't need to pretend you love me anymore. Mommy is ok now. Hindi na kailangan pang gawin kung anong napag-usapan nyo.And thank you for the concern."

"This is not about it Cassandra. I love you. Noon pa man hanggang ngayon. I didn't purse you because of your mom's situation. Ginawa ko yun dahil mahal kita." Lumapit ako sa kanya. Lumayo siya at umiyak.

"You don't love me Rufus cause you lied to me!"

"I just dont want you to get hurt."

"At anong nangyari ngayon Rufus? Nasaktan padin ako. Doble Rufus!Dobleng sakit, first because of mom's condition and second.." humagulgol muna si Cassandra.

" hindi ka naging totoo sakin Rufus."

"Im sorry Cassa.." nagsalita muli si Cassandra

"Alam mo Rufus kasi sa pagmamahal dapat hindi ka takot na masaktan ang taong mahal mo lalo na kung hindi mo sinasadya dahil parte ng buhay ang masaktan.. Pero ikaw, sinadya mo akong saktan Rufus. Marami kang pagkakataon para sabihin sakin lahat but hinayaan mo lang ako magmukhang tanga."

"Cassandra." umiiyak nadin ako ngayon

"Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa sinabi mo sakin."

"Totoo lahat yun Cassandra."

"I don't know what to believe Rufus. Ang mas masakit kasi, ako? Naging totoo ako sayo. I never lied to you kasi mahal kita. Kasi ayoko mangyari yung ganito Rufus. Wala akong tinira sa sarili ko kasi akala ko ganun kadin." Para akong sinaksak sa mga narinig ko. Nagpatuloy sya. "Minahal kita kasi ikaw ang tamang puso ko Rufus. Ikaw lang ang naging tama sakin. But you crushed me."

"I'll make it up to you. Just please wag kang mawawala muli sakin."

"Ayoko na. I don't trust you anymore Rufus. Hindi kita kayang mahalin kung wala akong tiwala sayo."

"Cassandra matagal kang nawala sakin. Hindi ako papayag na mawala ka ulit."

Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi nagtagal kumilos si Cassandra at dinala ang maleta nito pero bago tuluyang lumabas ay nagsalita muli ito.

"You are like those fairytales I used to love when I was young. Right after I saw the "Happily ever after" part saka ko lang malalaman na hindi totoo ang lahat." at tuluyan ng lumabas si Cassandra. Palayo ng palayo sakin.

***

Grey's POV

"Still mad at me Princess?" nasa sala kami ngayon ni Althea. Binisita ko sila. Tatlong araw na din ang lumipas ng makalabas si mommy and thank God mabilis ang recovery niya. We just had our family dinner, nagpahinga na si mom and dad.Kami nalang ni Althea ang naiwan sa sala habang umiinom ng tea.

"No. Alam kong wala kang kasalanan. Sorry if I acted unfair last time." ngumiti si Althea.

"I'm sorry too for not being honest Althea."

"Let's not talk about it kuya"

"How about Ram. Nag-usap naba kayo?"

"Yes. Naghiwalay na kami."

"Wala syang kasalanan dito. Napilitan lamang siya na itago ang lahat sayo."

"Still, he lied. Masakit kasi akala ko totoo na lahat ng sinabi nya. Na totoong mahal niya ako. Siguro nga hindi sya yun kuya. "

"Hindi mo naiintidihan. Totoo lahat ng iyon Althea, ang tanging naging kasalanan niya ay yung pumayag sya sa gusto ni mommy na ikasal kayo agad. Kung alam mo lang kung anong ginawa nya para sayo Alth...."

"Ayoko na kuya. Please huwag na natin pag-usapan pa ito. Maiwan na kita."

Mali lahat ng inaakala mo Althea. Kelan mo ba bubuksan ang puso mo para mahanap mo siya? Iyon ang naitanong ko sa sarili.

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon