Chapter 17

1.3K 35 0
                                    

Grey's POV

Nandito kami ngayon sa hideout namin. Hindi kasi kami pwede sa unit ko kasi nandun si Althea kasama si Agatha. Oo, magsleepover daw ngayon si Agatha. Parang gusto ko na nga umuwi eh.

"Bossing dapat yung galing sa puso ang kantahin mo." Si Trex yun. Problemado kasi si Ram dahil sa kapatid ko. Ewan ko kung ano na naman ang ginawa nun. Basta bigla nalang tumawag si Ram at ang sabi magkita daw kami sa hideout.

"Mula sa Puso! Yun nga!Yun ang kantahin mo!" Suggest ni Gelo. anak ng pating ang babaduy ng mga taong to!

"What's that song?" nakabusangot na yung mukha ni Ram. Masaya ako dahil alam kong mahal nya talaga ang kapatid ko handa syang ipahiya ang sarili maging masaya lang yung loka-loka kong kapatid

Sumingit sa usapan si chickboy Brad. "Manahimik ka Gelo! wala kang naitutulong. Ram tirahin mo na yung Pusong Bato. Bagay na bagay yun kay Cassy." oh isa pa'to? Ano kaya ang kinabukasan ng mga kompanya ng pamilya nila kapag sila na humawak? Condolence sa Business Industry kapag nangyari yun.

Tumayo na ako at nilapitan si Ram. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya.

"Ram, maghanap ka ng kanta kung san pwede mo iparating sa kanya kung anong laman ng puso mo." Yun lang at nilayasan ko na sila baka mahawa pako sa kabaduyan eh.

Pagdating ko sa condo naabutan ko yung dalawang babae na nag-uusap sa sala. Bigla silang natahimik nung napansin nila ako. Tumayo si Althea kasi may tumawag daw sa kanya. Hindi pa nakuntento at lumabas pa talaga ng unit. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Agatha sa sala.

"Hi Grey!" bati nito. Busy kakatipa sa cp. Biglang tumunog yung cp ko. Dali-dali kung pinatay. Napalingon naman si Agatha sakin buti nalang pumasok na si Althea.

"Oh ano bff nagreply nah?" tumabi ulit to kay Agatha.

"Ano yun?" nakisali nako sa kanila.

"Kuya huwag kang tsismoso. Usapang babae to" aba tong Althea nato! "Ipakulam na kasi natin yan bff" naalarma ako. Anong kulam?

"Althea,Agatha ano ba yan" Galit galitan boses insert!

"Hay naku! Wala nga sabi. Si Bff kasi may stalker ayaw syang tigilan kaya inaaway namin ngayon." Paliwanag ni Althea. stalker? talaga lang ha. Sira talaga ang ulo nitong dalawa

"Hayaan mo na Cassy sigurado naman ako ng mukhang tukmol to" anong tukmol!

"Tama. For sure replica lang to ng mukhang bakulaw na si Rufus kaya wag na nating pansinin bff!" si Althea

"Hindi ah!" napatingin yung dalawa kaya mabilis akong nagsalita. "Kayong dalawang babae! Hindi tama na manghusga kayo ng kapwa lalo na sa mga ka-baro ko."

"Duh Kuya!Sa'yo ko pa talaga narinig yan ah.." biglang tumunog yung cellphone ni Althea. Sinagot naman nya agad

"Hoy Rufus pwede ba busy ako ngayon!Bahala ka sa buhay mo! Isaksak mo sa baga mo yang kanta mo!" tinapon ni Althea yung cellphone nya.

Iniwan ko na silang dalawa dun. Loko ka Ram, idea mo tong textmate-textmate. Humanda ka bukas

Then You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon