SA ISANG liblib na lugar kami napadpad ni Andres. Hindi pa masyadong madami ang kabahayan dito.
Pero masasabi ko naman na civilized ang mga tao dito. Unlike ng mga napapanood ko sa TV before na parang hindi nakakakita ng ibang tao ang mga ganitong klase ng pamumuhay.
"Blaire!"sigaw na naman sakin ni Andres.
Napairap ako sa inis ko sa lalaking ito. Nakakarindi na sobra.
"Bakit na naman ba?"inis na sagot ko sa kanya.
Butu nalang solo namin ang bahay kung saan kami tumutuloy na dalawa. Ang bait kasi ng mag asawang Aling Krising at Mang Ambo.
Pinahirap kami ng mga ito ng kubo na pwede naming tirhan ni Andres pansamantala.
Kompleto ng gamit kung sa simpleng pamumuhay lang ang pagbabasehan.
May higaan na gawa sa kawayan. May lamesa at upuan na gawa din aa kawayan. Lalagyanan ng lutuan at lutuang de kahoy. May mga plato at baso din dito. Tapos may simpleng sala din na may isang mahabang upuan na gawa din sa kahoy.
"Ano na namang ginawa mo dito?"takang tanong ni Andres.
Nang lingunin ko siya tinutukoy niya ang maliit na sala namin.
"Inayos ko malamang"inis kong sagot.
Sa isang linggo naming pamamalagi dito, medyo nakapag adjust na ako sa simpleng pamumuhay na meron kami.
"Kakaayos mo lang kahapon. Tapos iniba mo na naman ang ayos. Kailan ka titigil sa pagpapalipat lipat ng gamit dito. Baka hilong hilo na ang mga gamit sa kakaikot mo sa kanila"reklamo na naman niya.
Magaling na ang mga sugat at may kaunting pasa nalang itong makikita sa mukha at katawan.
Malakas na ang gago kaya panay na naman ang pagsusungit niya sakin.
"Yeah right"walang gana kong sagot.
Nakita ko siyang lumapit sa maliit naming kusina. Medyo kinabahan ako, alam ko maiinis na naman ito at magsusungit.
"Wow naman mahal na prensesa, ang sarap naman ng niluto mo. Sinaing na hangin. Kinilaw na hangin at adobong hangin"sarcastic na pagtutuya ni Andres.
Huminga naman ako ng malalim bago ko siya hinarap.
"I told you I don't know how to cook"naiinis ko na naman siyang sinagot.
Ang sabi ko pa naman noong papunta kami dito hindi ko na siya pagmamalditahan. Kasi nga nasaktan ito ng dahil sakin.
Pero once a brat always a brat ang drama ko. Kasi once a masungit always a masungit din si Andres.
So we're even.
Nakaready na ang tenga ko sa muling pagsusungit ni Andres ng may kumatok sa pintuan ng barong barong namin.
"Andres"tawag ni Aling Krising.
I secretly smiled nakaligtas ako sa pagsusungit ni Andres.
Pinagbuksan ni Andres ang ale at pinapasok.
"May kailangan po kayo Aleng Krising?"ako na ang nagtanong mukhang walang balak si Andres dahil kita pa sa mukha nito na asar pa ito.
"Oo, ikakasal na kasi ang bunso namin. Darating dito mamaya ang mga kamag anak ng mapapangasawa ng anak ko."masayang pagbabalita nito.
I feel excited, wedding is my favorite event. Kapag may kinakasal samin ako minsan ang isa sa mga punong abala.
I'm so amazed seeing the bride walking down the aisle and wearing their wedding gown.
![](https://img.wattpad.com/cover/133184319-288-k665341.jpg)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRE
RandomFIFTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Andres and Blaire Story Cover by: PANANABELS